Ang Summer ay panahon ng pagrerelaks. Ito ay panahon ng bakasyon sa paaralan at ‘ferie’ naman sa trabaho sa Italya. Kaya naman maraming mga pamilyang Pinoy ang pumupunta sa iba’t ibang lugar mapa-lokal man o internasyonal.
Para sa isang maayos, masaya at siguradong hindi malilimutang summer vacation 2022, narito ang ilang travel tips:
- Tiyaking nasa magandang kundisyon ang katawan bago umalis. Upang makasiguro ay magpatingin sa sariling doktor o espesyalista at humingi ng ilang rekomendasyon na nararapat para sa ating katawan.
- Huwag kalimutang magdala ng first aid kit na nagtataglay ng disinfectant, band-aid, thermometer etc at gamot (medicine) para sa sakit ng tiyan, ulo, lagnat o anumang paracetamol. Siguradhin din ang pagdadala ng mga protective masks, Covid self-test, hand sanitisers. Sa kasamaang palad, nahaharap pa rin tayo sa banta ng Covid at kailangang patuloy na ingatan ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay.
- Kung aalis ng bansa, tiyaking kumpleto ang lahat ng dokumento tulad ng permesso di soggiorno, pasaporte at iba pang balidong identity cards tulad ng carta d’identità.
- Siguraduhing dala ang tessera sanitaria o italian health card, ang coverage ng sariling health insurance upang makakuha nito kung kinakailangan.
- Alamin ang address at numero ng local government ng bansang pupuntahan, pati na rin ang mga detalye ng Philippine embassy sa bansang pupuntahan.
- Pag-aralan at alamin ang kultura ng lugar na pupuntahan upang makapaghanda ng mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa lugar o bansang napili.
- Huwag ikahiya ang magtanong kung kinakailangan at kapag hindi sigurado sa isang lugar. Laging tandaan na maging alerto sa lahat ng oras at huwag magtitiwala nang basta sa hindi kilala.
- Magbibit palagi ng tubig at ugaliin ang paginom nito upang mapanatili ang balance ng body fluids. Magdala rin ng snacks gaya ng tinapay at iba’t ibang prutas kung sakaling magugutom sa biyahe.
- Maglagay ng sunscreen sa balat at magdala ng sombrero (o payong) upang makaiwas sa direktang sikat ng araw.
- Magdala at gumamit ng mosquito repellant upang maiwasan ang anumang sakit na makukuha mula sa mga lamok tulad ng dengue, malaria, at iba pa.
- Magbitbit ng sapat na kagamitan at iwasan ang magdala ng marami kung hindi naman kinakailangan.
- Maaaring lagyan ng kandado ang mga bagahe para makaiwas sa mga magnanakaw.
- Iwasang mag-post sa social network na magbabakasyon sa malayong lugar. Delikado ito kung walang taong bahay na maiiwan sa bahay ng ilang linggo. Ikandado ng mabuti ang bahay. (PGA)
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]