Narito kung paano ipatutupad ang bagong uri ng voucher, libretto famiglia para sa mga colf.
Ang dalawang uri ng bagong voucher para sa occasional job: libretto famiglia para sa mga colf at PrestO naman para sa mga kumpanya ay maaaring i-request at i-activate sa pamamagitan lamang ng website ng Inps.
Samakatwid, para sa mga pamilya na nangangailangan ng 2 oras na serbisyo ng colf, babysitter, caregiver o tutor ay babayaran ang occasional worker ng 2 vouchers na nagkakahalaga ng 10 euros bawat isa.
Ang colf naman ay makakatanggap ng net amount na 16 euros para sa 2 oras na trabaho.
Ang colf, sa pagtanggap ng voucher ay may karapatan sa :
- Insurance sa invalidity, old age at survivors sa gestione separata ng Inps
- Insurance sa aksidente sa trabaho at pagkakasakit ng Inail
Sino ang maaaring gumamit ng libretto famiglia?
Ang libretto famiglia vouchers ay maaaring gamitin ng mga pamilya at pribado sa pagbabayad ng occasional workers tulad ng:
- Domestic jobs tulad ng gardening, paglilinis at maintenance ng bahay tulad ng mga colf;
- Pag-aalaga ng mga bata, matatanda, may sakit o disbale tulad ng mga baby sitters at caregivers;
- Tutors
Ang libretto famiglia ay hindi maaaring gamitin o ibayad sa mga workers na anim na buwan ng nagta-trabaho bilang subordinate worker at samakatwid ay regular na hired o employed.
Saan at paano magkakaroon nito?
Sa pamamagitan ng circular 107 ng July 5, 2017 ay nilinaw ng Inps ang paraan sa pagkakaroon ng dalawang uri ng bagong voucher sa occasional job: libretto famiglia para sa mga pamilya at PrestO para sa mga kumpanya.
Upang magkaroon ng libretto familgia, ang employer at occasional worker ay kailangang mag-register sa bagong plataporma ng Inps online.
Sa pagtatapos ng pagbibigay ng serbisyo o hanggang ikatlong araw ng sumunod na buwan matapos ang trabaho ng occasional worker, ang employer ay kailangang ipagbigay sa Inps ang datos ng occasional worker:
- Buong pangalan ng worker;
- Halaga ng sasahudin;
- Lugar kung saan nag-trabaho;
- Duration ng naging trabaho;
- At iba pang impormasyon
Sa oras na ang employer ay gawin ang komunikasyon, ang worker naman ay makakatanggap ng notification sa pamamagitan ng email, sms o sa kanyang area riservata sa MyINPS. Pagkatapos, ang Inps hanggang sa ika-15 ng sumunod na buwan matapos ang serbisyo ay direktang babayaran ang worker batay sa piniling paraan sa oras ng registration ng huling nabanggit.
PGA
Basahin rin: Bagong vouchers, simula ngayon July 10