Bagaman umulan sa North Italy kamakailan, ayon sa mga eksperto, ang sitwasyon ay nananatiling malala at nangangailangan ng higit na pag-ulan.
Hulyo 25, 2017 – Katumbas ng tubig ng Lake Como. Ganito ang kailangang tubig ng bansa sa kakulangang 20 billion cubic meters na tubig na humigit kumulang ay ang tinatagalay na tubig ng Lake Como, ang ikatlo sa pinakamalaking lawa sa Italya, ayon sa giornale.it
Sa simula ng 2017, ay mas mababa ang naging pag-ulan ng 21% kumpara sa average percentage nito. Bagaman umulan ng Enero at Pebrero at maituturing na normal ang water supply, simula Marso hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang kawalan ng pag-ulan at pag-tuyot ng bansa.
Sa katunayan, ang pinakahuling spring ay itinuturing na ikalawa sa pinaka mainit na spring (+1.3 kumpara sa average) at ikatlo sa pinaka tuyot (-39) sa huling 60 taon. At ngayong summer, ay hindi bumubuti ang sitwasyon. Bukod dito, sa maraming bahagi ng Italya ay hindi umuulan ng dalawang buwan na at ang ilan ay higit pa sa panahong nabanggit.
Samantala, mula 15 ay naging 20 ang bilang ng mga Comune sa probinsya (Lazio) kung saan ang tubig ay mayroong ‘turno’ o walang water suppply ng ilang oars. Ito ay sinimulan noong Hunyo. Kabilang dito ang Rocca Priora, Rocca di Papa, Zagarolo, Montecompatri, Grottaferrata, Lariano at iba pa. Ito ay ginagawa ng ilang oras sa isang linggo, matapos ang isang komunikasyon sa mga mamamayan.
Sa Kapital ay ginagawa ang lahat upang maiwasan ang pagkakaroon ng ‘turno’ sa water supply tulad ng iminungkahi ng Acea Ato 2 – na marahil ay magsisimula sa July 28 at maaapektuhan ang 1.5 milyong mamamayan.
Inihinto rin pansamantala ng Acea ang pagkuha ng tubig mula sa Bracciano lake na ninais ni Zingaretti: “isang desisyong dapat gawin”, ayon dito upang bahagya umanong matugunan ang kakulangan sa halip na tanggalan ng tubig sa loob ng 8 oras ang mga mamamayan, ayon kay Zingaretti.
Sampung rehiyon ng Italya ang kasalukuyang higit na nakakaramdam ng epekto nito. Sa Calabria ay inanunsyo na ang state of emergency. Marahil ay susunod na ang Marche. Ang Sicily, Sardegna, Campania, Toscana, Emili Romagna at Puglia ay maaari ring humingi ng access sa National Solidarity Fund.
Bagaman umulan sa North Italy kamakailan, partikular sa Veneto at Friuli-Venezia-Giulia, ayon sa mga eksperto, ang sitwasyon ay nananatiling malala at naghihintay ng higit na pag-ulan.