in

Ano ang Autocertificazione Vaccini Scuola 2017-2018?

Nasasaad sa bagong decreto vaccini 2017, simula sa susunod na pasukan ang mga magulang ay obligasyong magsumite ng dokumentasyon ukol sa bakuna ng mga anak.

 

Nasasaad sa bagong decreto vaccini 2017 ang obligasyon ng mga magulang na magsumite ng dokumentasyon ukol sa bakuna ng mga anak. 

Simula sa susunod na pasukan, sa enrollment ng school year 2017/2018, ang mga school principals ay hihingin sa mga magulang na magsumite ng patunay ng pagpapabakuna ng mga obligatory vaccination ng mga anak, partikular ang itinakdang sampu ng batas na inaprubahan kamakailan. 

Maaaring humingi ng libretto di vaccinazione online o cartaceo ang magulang sa ASL. Dito ay nakatala lahat ng ginawang bakuna ng mga menor de edad. Ito ay ibinibigay ng libre. 

Ang magulang ay maaari ring magbigay pansamantala ng autocertificazione vaccini at ang kopya ng libretto di vaccinazione ay isusumite bago ang itinakdang deadline ng batas. 

Sa kasong hindi kumpleto ang obligatory vaccination, ang paaralan sa loob ng sampung araw ay magre-report sa ASL na sya namang magbibigay impormasyon sa ufficio igiene. Ang huling nabanggit ay tatawagin ang mga magulang at magbibigay ng deadline upang kumpletuhin ang mga bakuna. 

Kung ang magulang ay hindi magagampanan ang obligasyong ito, o kahit ang magpa-schedule man lamang para sa araw ng bakuna, ay papatawan ang mga magulang ng administrative sanctions mula 100 euros hanggang 500 euros, batay sa bigat ng violation. 

Matapos ang itinakdang palugit, ang ASL ay mag-uulat ng pagkukulang ng mga magulang sa tribunale per i minori para sa kaukulang parusa. Paalala: hindi na tatanggalin ang parental authority tulad ng unang inaprubahan ngunit ang hukom, matapos ang malalim na pagsusuri, ay ang magde-desisyon ukol sa bigat ng parusa.  

Samakatwid, ang autocertificazione ay isang pansamantalang paraan ng deklarasyon na tinatanggap ng mga paaralan para sa enrollment ng mga menor de edad kung saan nasasaad ang pagiging regular sa 10 obligatory vaccination. 

Narito ang fac simile

Ayon sa nasasaad sa decreto vaccini 2017, ang autocertificazione ay kailangang isumite sa mga sumusunod na petsa:

 

 

 

 

SY 2017/2018

Autocertificazione vaccini scuola

Deadline

Nursery at Kindergarten

(Asilo nido e scuola dell’Infanzia)

Sept 10, 2017

Obligatory school: Elemetary, Middle school at unang dalawang taon ng High School

Scuola dell’obbligo: elementari, medie e primi 2 anni di superiori

Oct 31, 2017

 

Libretto vaccinazione o anumang patunay na sumailalim sa obligatory vaccination 

March 10,  2018

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang Pinoy, nagnakaw matapos gumawa ng gulo

Bagong online process ng family reunification, sinimulan na