in

DANZIKLABAN sa Roma, tagumpay!!

Matagumpay ang ginanap na Danziklaban sa Roma nitong Nobyembre kung saan walong mahuhusay na dance group ng mga kabataan ang nagpakitang-gilas. 

 

Roma – Naglaban-laban ang mga grupong Open Method, Da’Lawless Crew, A-Method, WeyyDamnBoys, ENI5MA, S-One, DemBreakers at Psycom na dumayo pa mula Milan Italy. 

Halos mayanig ang Teatro Aurelio, kung saan ginanap ang kumpetisyon, dahil sa huhusay at puno ng enerhiyang mga lumahok na kabataan na may edad mula 10 hanggang 19. Bawat grupo, binubuo ng hanggang 7 miyembro lamang tulad ng nasasaad sa regulasyon, ay tunay namang nagpakita hindi lamang husay at talento bagkus pati ng pagmamahal sa pagsasayaw. 

Bago pa man magsimula ang kumpetisyon ay mahabang pila ng mga ‘cheerers’ at ‘fans’ ang sumalubong sa venue. Hindi rin magkamayaw sa sobrang lakas ng tilian bilang suporta sa kanya-kanyang grupo. Partikular, bukod sa mga kabataan, ay makikita rin ang full support ng mga magulang, kapatid, pamilya at kamag-anak ng mga contetsants. 

 

Kapansin-pansin din ang husay na ipinamalas sa ‘brief performance’ ng bawat hurado bago magsimula ang kumpetisyon. 

Walang tulak-kabigin, lahat sila ay magagaling!”, komento ni John Delima, isa sa mga hurado na unang Pilipinong nakapasok sa talent show na Maria de Filippi na ‘Amici’. 

Mahirap ang maging judge sa araw na ito”, kumpirma naman ni Lee-J Ramirez, hurado, tanyag na hip hop dancer, model at nagtapos ng Law o Giurisprudenza sa Roma. 

Bukod sa mga nabanggit ay kasama rin bilang hurado si Bruno Pischedda ng Vanity Crew, isang tanyag na professional dancer at kilala rin sa larangan ng mga national at international competition tulad ng Italia’s Got Talent, World Hip Hop Dance Championship, Britain’s Got Talent at marami pang iba.

Marami akong nakilala at nakasamang mga Pilipino sa iba’t ibang competition at alam kong magagaling kayo. Pero nagulat pa rin a k o s a mga nakita ko, dahil talagang may talento sa pagsasayaw ang mga kabataang ito. Hindi naging madali ang piliin ang mga winners, dahil para sa akin lahat sila ay pwedeng winner”, ayon kay Bruno. 

Lubos naman ang pasasalamant ng organizer, ang KREADEM na sina Kreus Maaku at Nathaniel Adem sampu ng mga kabataang staff at director na si Mike Palacpac sa nag-uumapaw na tagumpay ng kumpetisyon at literal na nag-uumapaw na venue sa dami ng taong dumalo at sumuporta.

Matagal na rin kasi ang huling dance contest sa Roma, ang Sayaw Kids. Kaya naisip naming mag-invite ng mga kabataang may hilig at talento sa pagsasayaw para sa isang competition. Nagulat kami sa dami ng taong sumuporta at lalo na sa galing mga grupo. Higit sa lahat, natutuwa kami sa ‘friendship’ na nabuo na kahit magkakalaban sila, ay parang iisang grupo lang sila sa back statge”, ayon sa Kreadem. 

Tunay namang hindi inaasahan ng DemBreakers na kanilang iuuwi ang titolo ng Grand Champion. “Nagpapasalamat kami una kay God, at lahat ng mga sumoporta sa amin. Hindi namin ito inaasahan kaya talagang masayang-masaya kami”. 

 

GrandChampion: DemBreakers 

 

1st runner-up: S-One 

 

2nd runner-up: ENI5MA 

Special Awards: 

People’s Choice Award: Keile Soriano of ENI5MA 

Best Female Performer: Abegail Magsino of ENI5MA 

Best Male Performer: Kevin Delen of DemBreakers 

Solista: Bim Ayao of S-One 

Best in Opening Production Number: PSYCOM 

Best Costume: PSYCOM

 

 

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bahagyang pagtaas ng mga pensyon, sisimulan sa 2018

“Huwag kaming iwan muli” hiling kay Matarella ng Ikalawang henerasyon