in

FBAI bowlers nakipagsagupaan sa bowling worldwide tournament sa Pilipinas

Nakipagsagupaan sa dalawang magkahiwalay na bowling worldwide tournament sa Pilipinas ang FBAI bowlers. 

 

Anim na manlalaro ng bowling mula sa Roma ng FBAI – Filipino Bowlers Association in Italy ang lumahok sa dalawang pang-international tournament ng bowling. 

Kasama ng Presidente ng FBAI na si Randy Fermo sina Allen Ragasa, Leo Saguinsin, Mark Anthony Aniz, Edison Singson at Romie Pamintuan sa mga paligsahang naganap. Nagmula pa sa iba’t ibang bansa ang mga nakilahok, Philippines, USA, KSA, Singapore, Qatar, Japan, Kuwait, Bahrain, Taiwan, Indonesia, Malaysia, UAE, Hongkong, Holand, Dubai at Guam bukod sa mga manlalarong Pilipino sa Italy.

Idinaos nuong Disyembre 26, 2017 ang MBA 1st Global-Classic Tenpin Bowling Challenge na pinamunuan ng dating sikat na kampeon na si Bong Coo sa Coronado Lanes Starmall EDSA Mandaluyong, City. 

 

Mahigit na 60 bowlers ang naglaban na pawang mga myembro ng MBA – Magallanes Bowling Association at naging Kampeon si JB Vargas MBA-Phil, pumangalawa si Dennis Kelsley MBA-USA at pangatlo si Eric Ramirez ng MBA-Phil. Dalawa sa MBA-Italy bowlers ang nasama sa Top 10, si Mark Anthony Aniz – 4th at si Allen Ragasa, 8th. 

NOong nakaraang Disyembre 27 at 28 naman naganap ang Worldwide OFW Balikbayan Bowling Tournament na pinangunahanan ng United Filipino Bowlers of Riyadh (UFTBR) sa Santa Lucia Bowling Lanes sa Cainta, Rizal at naglaban-laban ang mahigit sa 100 OFW Balikbayan bowlers. Kampeon si Marie Jimenez ng Malaysia at pumangalawa si Roel Santos ng Guam. Napasama din sa Top 10 ang mga “Lodi” ng Roma na sina Allen Ragasa- 5th at Mark Anthony-9th. 

Pinatunayan ng FBAI bowlers na nakahanda na silang humarap sa mga pang-internasyonal na torneo ng bowling. Isa na din itong paghahanda para sa darating na WOFBTWorld Overseas Filipino Bowlers Tournament na gaganapin sa London sa darating na Agosto.

 

 

ni: Teddy Perez

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong e-passport na may bisa ng 10 taon, sisimulang ilabas

Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico, aktibo na para sa mga employers ng domestic jobs