Narito kung kailan at paano papalitan ang oras.
Muling mababawasan ng isang oras ang tulog sa Europa.
Ito ay dahil nagbabalik ang ora legale kung saan i-uusad paabante ang mga orasan ng isang oras sa madaling araw ng Linggo, March 31, mula alas dos sa alas tres.
Ito ay nangangahulugan lamang na ang araw ay mas mahaba na at ang pag-atras ng paggamit ng artificial light sa mga oras na ang mga gawain ay kasalukuyang puspusan pa.
Kaugnay nito, ayon sa mga pinakahuling balita, marahil makalipas ang susunod na dalawang taon ay wala ng pagpapalit ng oras na magaganap pa.
Ito ay dahil na rin sa kasalukuyang posisyon ng Europa (23 pabor at 11 ang hindi) na nagbibigay ng awtonomiya sa mga bansang kasapi sa desisyong pagkakaroon nito o hindi.