in

War on drugs, patuloy sa Italya. Ilang Pinoy, sangkot

Hindi matapos tapos ang pagkakasangkot ng mga Pinoy sa maigting na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot dito sa Italya. Sa magkahiwalay na operasyon ay dalawang Pinoy ang inaresto kumakailan. 

Gabi ng araw ng miyerkules ika-10 ng Oktubre, sa Firenze ay walang tigil ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga salot ng lipunan. Upang mapanatiling ligtas ang iba’t-ibang parte ng siyudad ay malimit ang isinasagawang pagroronda ng mga pulis, lalo na kug may mga natatanggap na mga reklamo mula sa mga residente. Sa tulong ng mga special units at mga trained dogs ay tatlo ang naaresto dahil sa hashish,  marijuana, cocaina, at shabu.  Isang marocchino, isang italyano na taga Foggia ngunit nakatira sa Sesto Fiorentino, at isang Pilipino na taga Barberino a Mugello sa probinsya ng Firenze. Napag-alaman na laban sa Pilipino ay may order na dati pa ang Regional Trial Court ng Toskana ng pagkakakulong nito ng  labintatlong buwan at labingpitong araw dahil sa iba’t-ibang kaso nito noon pang taong 2012.Kasalukuyang nakakulong ang pinoy habang hinihintay ang sentensya ng hukuman.

Samantala, sa Affori sa Milano, ika-12 ng oktubre, bandang alas 4 ng hapon, isang 42 anyos na pilipino ang nasakote ng mga carabinieri matapos itong  mabilis na tumakas matapos mamataan ang mga nakaunipormeng awtoridad. Hindi ito ang kanilang unang engkwentro dahil ang inaresto ay may mga pending cases na rin na may kinalaman sa drugs. Sa normal na police control nagsimula ang lahat. Napansin ng mga carabinieri na may biglang tumakbo at agad nila itong hinabol at nakorner sa may via Astesani sa Milano. Kinapkapan ng mga ito ang hinihinalang tulak at nakunan ito ng walong pakete ng shabu. Inimbithan din nila ito na ituro ang kanyang tirahan at doon nila nakuha ang iba pang dosages ng shabu na nakahanda na sa pagbebenta. Agad na dinala ang lalaki sa caserma at tulad ng nahuli sa Firenze, sa likod ng mga rehas din ang bagsak nito.

Malawakang kampanya laban sa droga ang isinasagawa ngayon ng mga pulis lalong lalo na sa mga tukoy ng lugar kung saan kalimitang nagaganap ang mga bentahan ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng mga parko, labas ng istasyon ng treno, at mga lugar na malapit sa mga paaralan. Sa tulong ng unità cinofile ng mga awtoridad ay mahirap ng makalusot sa pagkontrol ng mga ito dahil kahit  sa malayong distansya pa lamang ay tukoy na ng mga aso ang pinagmumulan ng amoy ng iba’t-ibang klase ng droga.

 

Quintin Kentz Cavite Jr. 

larawan: polisine24

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PININYAHANG MANOK

Buoni Libri, ibibigay lamang sa mga dayuhan sa pagkakaroon ng certificate