in

Isang Pinoy, kasama sa 10 inaresto sa Roma na sangkot sa droga

Isang malawakang “operazione anti-droga” ang ikinasa ng mga awtoridad sa Roma at sa mga karatig na lugar nito mula, ika-20 ng enero 2019. Sa loob lamang ng 24 oras ay sampung mga pushers ang bumagsak sa mga kamay ng mga alagad ng batas.

Daan-daang pakete ng iba’t-ibang droga ang nakumpiska ng special team na tumutugis sa mga tulak droga sa pangunahing lungsod ng Italya: cocaina, hashish, marijuana, at ang kilalang kilala na ngayong shabu.

Arestado ang pitong italyano na residente sa Roma, isang residente sa Napoli, isang chinese national, at isang pilipino. Lahat umano ng mga ito ay may record na sa mga awtoridad at matagal na nilang inoobserbahan sa kanilang mga galaw.

Ang mga lugar na kabilang sa  wide-range operations na isinagawa ay ang area ng San Basilio, Cinecitta’, Appia, Torrevecchia, Primavalle, at Quarticciolo.

Mapapansin na maraming mga Pinoy ang nahuhuli sa mga ikinakasang operasyon ng mga awtoridad laban sa droga. Ang dahilan ay ang karamihan umano sa mga nahuhuli ay isinusumbong ang kanilang mga kasabwat hawak ang pangako ng mga alagad ng batas na mas gagaan ang kanilang kaso kung makikipagtulungan sila sa isinasagawang “war on drugs”.

 

Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sinulog Festival 2019 ginunita sa Milan

Ilang Pinoy, kabilang sa mga tinanggihan ang renewal ng permit to stay sa Mantova