in

600,000 clandestines na nasa Italya, pangunahing problema sa ngayon – Berlusconi

Pescara – “Ang pangunahing problema sa ngayon ay ang 600,000 mga clandestines na nasa Italya. Kung paano sila papalabasin mula sa bansa. Para sila ay makakain, kadalasan ay napipilitan silang gumawa ng krimen. Ang problema sa seguridad ng ating bansa ay lalong lumalala”.

Ito ay ayon kay Silvio Berlusconi, ang leader ng Forza Italia sa kanyang pagdating sa Pescara upang suportahan ang kandidato sa regional election na si Marco Marsilio.

Ang gobyerno ngayon – dagdag pa nito – ay dapat malaman ang pinaka mabisang paraan upang mapatalsik ang mga undocumented. Mula Marso hanggang ngayon ay 3,000 ang napatalsik. Samantala, noong ako ang naka upo ay umabot lamang sa 4.400 ang bilang ng mga dumating na dayuhan, at parehong bilang ito ng isang weekend noong 2016 noong ang naka-upo pa ay ang centre-left”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian language exam, uulitin ba ng mga may permesso lungo soggiornanti sa pag-aaplay ng italian citizenship? 

Online, bagong paraan ng appointment system ng mga ‘permessi cartacei’