in

Clean-up Drive, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo

Nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ng malawakang clean-up drive noong Pebrero 24,2019 sa iba’t ibang bahagi ng Italya bilang isa sa mga aktibidades sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Iglesia sa Roma, Italya.

Partikular, ginawa ng isang libong (1,000) mga miyembro ng INC ang boluntaryong paglilinis sa Via Della Pineta Saccheti, Parco della Pineta, Circonvallazione Cornelia, Piazza di Villa Carpegna, Via Gregorio VII hanggang sa Via Leone XIII at mula Via Aurelia (Ergife Hotel) hanggang Via Degli Baldo di Ubaldi (Valle Aurelia) sa Roma.

Bagay na napansin ng maraming Romans.

Queste persone sono immigrate che lavorano e pagano le tasse. Dimostrano di amare la città più dei Romani”, ayon sa post ni Roberto Sgamini na may mga larawan pa sa social network matapos mamataan ang maraming boluntaryong nagutulong-tulong para sa kalinisan ng kapaligiran.

Bukod sa Roma ay naging bahagi din ng makabuluhang programa ang Lucca, Grosseto, Firenze, Napoli, Messina, Catania, at Palermo.

Maging ang mga miyembro sa Jerusalem at Tel-Aviv Israel, Athens Greece at Cyprus ay nagtipon din upang maging bahagi ng nasabing aktibidad.

Ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at komunidad ay isa sa mga hangarin ng marami. Kung kaya’t ang Iglesia ni Cristo ay nagkakaisa rin sa layunin ng pagmamalasakit sa isang malinis na kapaligiran at komunidad. Dahilan kung bakit sa tuwina ang INC ay naglulunsad ng gawain ng paglilinis upang ito ay itaguyod din sa ating mga kababayan.

Ang Iglesia Ni Cristo (INC) o Church of Christ ay isang pandaigdigang Simbahang Kristiyano na nagpapalaganap ng mga aral Kristiyano batay sa Bibliya.

Pinangangalagaan ng INC ang mga kongregasyon at misyon nito sa 148 mga bansa at ang mga miyembro nito ay binubuo ng 133 ethnic groups at nationalities.

Patuloy na ginagampanan ng INC ang pangako nito na pagbabahagi ng ebanghelyo at sa abot ng makakayahan, ang kanilang pagbibigay tulong upang palakasin ang bigkis sa pagitan ng mga kongregasyon ng INC at ng komunidad na kanilang pinaglilingkuran sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng serbisyo, promosyon sa edukasyon, socio-economic well-being, pagmamalasakit sa kapaligiran at pagkakaroon ng mas magandang kalusugan.

Ginagawa ang mga ito sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at mga komunidad, sa pamamagitan ng Aid for Humanity Program ng Felix Y. Manalo Foundation at ng mga boluntaryo sa buong mundo ng INC Giving Project at sa pamamagitan ng Christian Family Organizations ng INC.

INC Cyprus
INC Israel
INC Lucca
INC Florence
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Animal lover ka ba? May alaga ka bang aso?

Agrikultura, nanganganib sa pagka antala ng Decreto Flussi Stagionali