in

Aplikasyon ng Reddito di Cittadinanza, pansamantalang inihinto

Ikinabahala ng marami ang pansamantalang pagpapahinto ng application online sa website ng Reddito di Cittadinanza ng Ministry of Labor.

Ito ay upang mapahintulutan ang pagbabago sa mga forms online”, ayon sa Ministry.

Matapos aprubahan ang ‘Decretone’ at ang pagsasabatas ng DL 28 gen 2019, n. 4 ay kinakailangang gawin ang mga susog na nilalaman nito partikular ang mga forms online.

Kabilang sa mga sinusugan ay ang bagong requirement ng RdC per stranieri o ang pagsusumite ng certificate of family composition and assets mula sa sariling bansa.

Sa loob ng isang buwan ay umabot sa higit 850,000 ang mga aplikasyon: 600,000 ang nagsumite sa mga Caf habang 223,000 naman ang pumila sa Posta. Tinatayang 30,000 naman ang nagsumite ng aplikasyon online.

Ayon pa sa Ministry of Labor, may kabuuang 853,521 ang mga aplikasyon at kumakatawan sa halos 2.8 million katao.

Sa bilang na nabanggit ay halos 9% ang mga aplikanteng dayuhan habang 91% naman ang mga aplikante na Italians at Europeans.

Para sa mga magpapadala ng aplikasyon simula Abril sa muling pagtanggap ng mga aplikasyon, ay ipatutupad ang mga bagong requirements na inaprubahan kamakailan.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dichiarazione Sostitutiva, mahalagang ibigay sa colf para sa Dichiarazione dei Redditi

May patlang sa limang taon na requirement ng EC long term residence permit, makaka-apekto ba sa aplikasyon?