in

Sa nalalabing araw ng Postal Voting sa Italya, narito ang ilang payo

Ang pagboto ay isang tungkulin at pananagutan ng bawat mamamayan. Ang pangunahing layunin nito ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan na piliin ang kanilang susunod na pinuno at upang magkaroon ng direktang partisipasyon ang mga mamamayan sa pamamahala ng bayan. Ito ay isa sa mga kilalang katangian ng demokrasya at mahalagang aktibidad upang ating masingil ang mga taong sumayang ng ating mga boto sa nakaraan.

Kaya’t sa nalalabing araw ng Postal Voting sa Italya na nakatakda hanggang alas 12 ng tanghali ng Mayo 13, 2019, ipinapayo ang mga sumusunod:

  • Siguraduhing isang Registered Voter at nasa listahan ng CLOV o Certified List of Overseas Voters mula sa Comelec.
  • Sa mga nag-request na huwag ipadala sa koreo o posta ang mga balota, mangyaring makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Roma at Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Milan, kahit sa pamamagitan ng social media kung saan isina-publiko ang mga pangalan ng mga botante na ang balota sa nasa Embahada o Konsulado. Narito ang link ng mga pangalan mula sa Embahada ng Pilipinas sa Roma. Ito naman ang link ng Konsulado Heneral sa Milan.
  • Kung wala sa mga listahan ang pangalan, ang balota ay ipinadala sa koreo. Kung lumipat ng tirahan at iba na ang address sa panahong nagpa-rehistro, subukang balikan ang lumang tirahan at silipin kung doon nga ipinadala ang balota. Ang taong nais bumoto ay gagawa kahit papaano ng paraan upang makaboto.
  • Samantala, sa mga nakatanggap naman ng balota sa kani-kanilang tahanan, siguraduhing hindi masasayang ang inyong boto:

a) Sagutang mabuti at sundin ang pamamaraang nakalakip dito. Narito ang isang gabay kung paano boboto.

b) Huwag ng ipadala sa koreo ang balota. Kung malapit din lamang sa Embahada o Konsulado ay dalhin na ito ng personal. Maaari ring ipadala ito sa pamamagitan ng via-abot, siguraduhin lamang na pirmado ang balota.

  • Bantayan ang inyong boto. Sa nalalabing huling linggo, sa Lunes at Huwebes, subukang tunghayan ang pagpapasok ng mga balota sa VCM ng Special Board of Election Inspectors o SBEI sa harap ng mga watchers.
  • Sa mga registered voters at walang natanggap na balota. Mangyaring ipagbigay-alam ang inyong pangalan. Ang inyong pahayagan ay gumagawa ng listahan sa buong Italya ng mga hindi makakatanggap ng mga balota. Ito ay gagamiting batayan para sa mga susunod na eleksyon.
  • Maki-alam sa bilangan at tunghayan ang canvassing ng boto. Ang mga botong natanggap sa Milan at Roma ay gagawin ng Special Board of Canvassers (SBOC) sa Multi-Purpose Hall ng Philippine Embassy.

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay na nagtangkang magpakamatay, isinugod sa ospital

Marcia per i Diritti, pangungunahan ng mga New Italians