in

Summer, nalalapit na!

Heat wave

Kung isa ka sa mga nagrereklamo ukol sa panahon o partikular sa pananatili ng lamig na tila Marso pa lamang, asahang magpapatuloy sa pagrereklamo ngunit sa kabaligtarang dahilan naman.

Ang magulong spring time na ito, na naglalarawan ng madalas na pag-ulan, hailstrom, snow at mababang temperatura sa maraming bahagi ng Italya ay tila nalalapit na ang pamamaalam at sasapit rin ang pinakhihintay na init ng tag-araw.

Kabaligtaran ng kasalukuyang panahon, ayon sa weather forecast ng ILMeteo.it, sa katapusan ng buwan ng Mayo ay mararamdaman naman ang matinding init na tila Hulyo!

Matinding sikat ng araw at mataas na temperature, hanggang 40° C sa ilang bahagi ng Italya. Gayunpaman, ang mabilis na pagdating na ito ng init ay mapanlinlang pa rin dahil sa posibilidad na mawawala at muling magbabalik.

Gayunpaman, bago tuluyang ipatikim ang init ng tag-araw ay isa na namang weekend na puno ng pag-ulan ang naghihintay sa bansa.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay, ibinigay sa dayuhan dahil mahusay sa wikang italyano, kahit walang sapat na requirements

8 billion euros na buwis ng 2018, nagmula sa mga imigrante