Kasalukuyang nakakadanas ng matinding init ng panahon sa Italya. Isang linggo ng matinding init ang inaasahan, ayon sa mga weather forecast. Kaya naman naririto ang ilang paalala para manatiling maginhawa pa rin ang pakiramdam kahit maalinsangan ang panahon.
- Iwasan magbilad sa araw, lalo na sa pagitan ng alas-11 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon tulad ng ipinapaalala ng Ministero della Salute.
- Magsuot ng puti o mga light colored na damit. Mas mainam na cotton ang damit dahil mas presko.
- Ugaliin ang maligo araw-araw. Ito ay nakaka-presko ng katawan.
- Bagaman hindi gawi ng mga Italyano ang paggamit ng payong tuwing tag-araw, ito ay makakatulong bilang proteksyon sa tindi ng sikat ng araw. Maaaring gumamit rin ng sumbrero.
- Bigyang proteksyon din ang mga mata, magsuot ng shades.
- Magbaon palagi ng tubig. Mas mainam kung may yelo. Mainam na may pamatid uhaw sa gitna ng matinding sikat ng araw.
- Uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw. Mabuting hydrated para presko na iwas pa sa sakit.
- Kung maaari ay umiwas sa pag-inom ng kape, soft drinks o alak dahil ito ay isa sa mga dahilan ng dehydration.
- Kumain ng magaan na pagkain lamang at dagdagan ang pagkain ng pakwan (o melon) o kung mayroon ay buko juice. Parehong alkaline water ang tubig ng buko at pakwan kaya mabuti ito sa katawan.
- Relax lang sa trabaho. Sa oras ng break, siguraduhin na may maiinom na malamig na tubig o kaya ay natural fruit juices.
- I-limit ang ehersisyo sa. Hinay-hinay lang din kasi mahina ang katawan ng tao kapag mainit.
- Samantala, tiyakin na laging malinis ang electric fan o air con para ma-maximize ang lamig nito.
Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.7]