Sa pamamagitan ng isang dekreto noong nakaraang Oct 21 ng Ministry of Labor and Social Policy, ay inilabas ng ahensya ang listahan ng mga bansa ng mga dayuhang aplikante na kailangang magsumite ng pinakahuling itinakdang requirement upang matanggap ang Reddito di Cittadinanza.
Upang matanggap ng mga dayuhan ang nabanggit na benepisyo, bukod sa pagkakaroon ng ISEE na mas mababa sa € 9.360 sa isang taon, ay kailangang magsumite rin ng family composition at certificates: movable (o mobiliare) at immovable (o immobiliare) assets mula sa sariling bansa nito na translated, authenticated at legalized ng Italian embassy o consulate sa country of origin. Ito umano ang magpapatunay ukol sa mga miyembro ng pamliya, bahay at ari-arian ng dayuhan sa sariling bansa.
Ang pagsasabatas sa bagong hinihinging requirement ay naging sanhi upang mahinto ang proseso sa mga aplikasyon hanggang sa paglalabas ng implementing rules na nagtataglay ng listahan ng mga bansang exempted sa pagsusumite ng pinakahuing requirement.
Sa halip na mga bansang exempted sa requirement ay naglabas ang ahensya ng listahan ng mga bansa ng mga dayuhang aplikante na dapat magbigay ng bagong requirements. At sa listahang ito ay hindi kabilang ang Pilipinas.
Ang mga bansa ay ang Bhutan; Republic of Korea; Republic of Fiji; Japan; Hong Kong; Iceland; Kosovo; Kyrgyzstan; Kuwait; Malaysia; New Zeland; Qatar; Rwanda; S. Marino; Saint Lucia; Singapore; Switzerland; Taiwan Kingdom of Tonga.
Gayunpaman ang family composition ng mga dayuhang residente sa Italya ayon pa rin sa dekreto ay hawak na ng Italian authorities batay sa depinisyon ng mga miyembro ng pamilya ng aplikante para sa kalkulasyon ng ISEE.
Samakatwid, ang mga mamamayan ng mga nabanggit na bansa lamang ang kailangang gumawa ng sertipiko na nasasaad sa artikolo 2, talata 1 ng decreto legge 4/2019, dahil hindi nasasaad ang immovable assets ng dayuhan sa ISEE.