in

Progetto Cicogna ng Questura di Cremona, para sa mga dayuhang nagdadalang-tao

Temporary permit to stay para sa mga undocumented na dayuhan na nagdadalang-tao. Ito ang nilalaman ng Progetto Cicogna ng Questura di Cremona na inilunsad kamakailan ni Questore Carla Melloni, Vice Questore Giovanna Sabato at Commissario Giulia Giuffrida. 

Ang progetto Cicogna ay ang pagpapatupad lamang ng nilalaman ng batas para sa mga dayuhang undocumented at buntis hanggang sa ika-anim na buwan ng buhay ng sanggol, ayon kay Questore.

Bukod dito, saklaw din umano ng proyekto ang pagkakaroon ng mga brochures sa iba’t ibang lengwahe upang higit na maunawaan ng lahat ang nilalaman ng proyekto at ang makarating ito sa mas maraming mga kababaihan. Naglabas din ng komunikasyon sa mga Consultorio upang higit na mabantayan ang kanilang pagbubuntis at maibigay ang sapat na pangangalaga hanggang sa maipanganak ang sanggol pati ang kinakailangan obligadong bakuna at iba pang mga medical needs nito.

Ang Questura di Cremona ay ang unang questura sa bansa sa mas madaling pagpapatupad ng batas, partikular ang pagbibigay ng permesso di soggiorno per maternità sa mga undocumented.

Kaugnay nito, may dalawang proyekto pa ang Questura na layuning mapadali ang aplikasyon ng pasaporte at ng permit to stay. Ito ang binubuo ng isang package upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilya.  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sanatoria 2020, fake news!

Coronavirus sa Italya: 1 patay at 17 ang positibo sa virus