in

Coronavirus sa Italya: 1 patay at 17 ang positibo sa virus

May biktima na rin ang Coronavirus sa Italya. Binawian na ng buhay ang unang biktima ng Covid-19 sa bansa. Isang 78 anyos na Italyano, si Adriano Trevisan ay binawian ng buhay sa ospital sa Padova kung saan halos 10 araw ng naka-confine kasama ang isa pang positibo sa virus. 

Sa kasalukuyan, 17 katao ang siguradong positibo sa virus sa bansa: 16 sa Lombardy region at 1 sa Veneto Region. 

Bukod dito ay inaasahan pa ang pagtaas ng bilang na nabanggit dahil tinatayang isang daan katao ang nagkaroon ng direct contact sa mga positibo sa virus na kasalukuyang naghihintay ng result ng test. Samantala, 50,000 naman ang mga mamamayan sa provincia di Lodi ang naka lockdown na.

Tila ghost town na ang mga Comuni Casalpusterlengo, Codogno, Castiglione d’Adda, Fombio, Maleo, Somaglia, Bertonico, Terranova dei Passerini, Castelgerundo at Sanfiorano na simulang ini-lockdown kahapon: sarado ang mga paaralan, mga tanggapang publiko at pribado pati lahat ng mga negosyo. 

Ayon sa mga ulat, ang unang kasong naitala kahapon ay ang 38 anyos mula Codogno na sumugod sa ospital noong Feb 18 dahil sa influenza. Matapos tingnan ng mga duktor ay pinauwi umano ito at bumalik sa ospital kinabukasan kung saan nanatili hanggang noong nakaraang Huwebes at isinailalim sa coronavirus test kung saan nag positibo rin pati ang maybahay nito na kasalukuyang nagdadalang-tao.

Ayon pa rin sa mga ulat, nahawa umano ang 38 anyos sa manager nito na galing mula China noong January 21 matapos mag-dinner ang dalawa sa mga unang araw ng Pebrero. Ang manager gayunpaman ay negatibo sa test. At dalawa ang kasalukuyang teorya: hindi sya ang nagdala ng virus mula China o nagka virus ito ngunit gumaling na dahil sa kanyang mga antibodies. Sa pamamagitan ng angkop na blood analysis ay malalaman mula Spallanzani hospital sa Rome kung ang manager nga ba ang nagdala ng virus o hindi. 

Kasalukuyang maingat na hinaharap ang emerhensya, sa pakikipagtulungan ng task force ng Ministry of Health at Lombardy region. Layunin ay ang ipatupad ang lahat ng mga hakbang na kinakailangan upang malimitahan ang pagkalat ng panganib sa komunidad”.

Gayunpaman, ipinapaalala na huwag magtungo ng mga Pronto Soccorso o ER, kung inaakalang mayroong sintomas ng coronavirus, bagkus ay tumawag sa 118. (PGA)

Basahin rin: Bagong uri ng Coronavirus, padami ng padami. Ano nga ba ito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Progetto Cicogna ng Questura di Cremona, para sa mga dayuhang nagdadalang-tao

Ako Ay Pilipino

Coronavirus sa Italya, pumanaw na ang ikalawang biktima