Ang medisina sa buong mundo ay patuloy ang pagsusumikap upang sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng bakunang lalaban sa coronavirus.
Nangunguna ang mga bansang Amerika, China, Israel at maging Italya.
Mula sa IRBM Scienza Park na matatagpuan sa Pomezia, 250 siyentipiko ang walang tigil para sa positibong resulta ng kanilang mga pagsusuri at pagkakaroon ng bakuna. “Kasama ang Jenner Institute ng Oxford University –ayon kay Piero Di Lorenzo, ang may-ari ng Irbm – ang bakuna ay magagamit sa Hulyo. Sa una ito ay aming susubukan sa hayop sa Hunyo at pagkatapos ay susubukan na namin sa tao”.
Sa susunod na linggo ay gagawin namin ang mga unang dosage nito. Kung ang pandemya ay lalala pa kaysa sa kasalukuyang sitwasyon nito, maaaring ito ay pahintulutan sa mas maigsing panahon”
Samantala, isang magandang balita mula China ang nagsabing susubukan ang bakuna sa katapusan ng Abril. Layunin ay ang magamit ito sa lalong madaling panahon. Ito ay ayon kay Center of Science and Technology development head Zheng Zhongwei.
Aniya, walong institusyon sa China ang nagtutulong-tulong, may iisang layunin at iba’t ibang pamamaraan upang mapadali ang paggamit nito sa tao. May ibang bakuna na ang sinusubukan sa mga hayop, dagdag pa ni Zheng.
Kaugnay nito, isang monoclonal antibody naman ang nadiskubre sa Holland na may kapasidad na kilalanin ang ginagamit ng coronavirus sa pag-atake nito sa respiratory system ng mga tao. Gayunpaman, ito ay nangangailangan ng ilang buwan pa para mastbok. (PGA)