in

Domestic job, diretso ang trabaho ayon sa bagong dekreto

Ako Ay Pilipino

Ang domestic sector ay kasama sa listahan ng mga kategorya na hindi obligadong huminto sa trabaho”.

Hindi lamang ang mga naka live-in, pati ang mga part timer o full timer na mga colf, caregiver at babysitters ay pinahihintulutang magpatuloy sa trabaho at walang anumang paghihigpit. Ito ay nasasaad sa pinakahuling dekreto ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro noong 22 Marso 2020 ukol sa karagdagang paghihigpit sa paglalakbay sa buong Italya”, ayon sa Assindatcolf o Associazione Nazionale dei datori di lavoro Domestico (National Association of Domestic Employers).

Ayon pa sa assindatcolf, “Ang domestic sector ay kasama sa listahan ng mga kategorya na hindi obligadong huminto sa trabaho. Ang depinisyon ng kategorya Ateco n 97 ay kinilala ang mga employer sa domestic job, pati ang mga pamilya nito bilang ‘comunità familiarmente strutturate’.

Gayunpaman, sa harap ng emerhensya na ating hinaharap sa kasalukuyan ay nanawagan sa konsiderasyon ang Assindatcolf. Mas makakabuti umano na suspindihin muna ang mga aktibidad na hindi naman kailangang kailangan sa domestic job at hindi nauugay sa assistenza di persone non autosufficienti.

Para sa bawat katanungan, ang tumawag lamang sa toll free number ng Assindatcolf 800 162 261. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autocertificazione, may bagong form ulit

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permit to stay, expired na. Ano ang dapat gawin?