Tulad ng ginawa ng ilang organisasyon, nanawagan at nagpadala na rin ng liham sa Presidente ng Repubblica Sergio Mattarella ang ilang pangunahing labor union o sindacato sa bansa para sa mga dayuhang walang permit to stay.
Mahalagang gawin ang Regularization sa lalong madaling panahon upang makatanggap din ang mga undocumented ng tulong sa pagharap sa emerhensya ng covid19”.
Ito ay ayon sa head ng CGIL Giuseppe Massafra na nag-aalala para sa mga nagta-trabaho na walang anumang proteksyon sa maraming sektor.
“Labis na naapektuhan ng krisis na ito ang mga migrante na nasa mahirap nang sitwasyon – ayon kay Massafra – at nanganganib na humantong din sa tensyon, tulad ng nagaganap na sa San Fernando”.
Kung kaya’t ang CGIL, ay muling nananawagan, kasama ang CISL at UIL sa Ministry of Interior at Ministry of Forign Affairs, na simulan ang regularization ng lahat ng mga migrante na nasa bansa at naghihintay ng permit to stay.
Ito ay isang mahalagang hakbang laban sa lavoro nero at inaasahang sa pamamagitan nito ay mababawasan ang panganib ng pagkalat ng virus dahil garantisado ang access sa sistemang pangkalusugan pati ang pagtanggap ng social support ng libu-libong mga manggagawa na kasalukuyang nasa matinding paghihirap.
“Ngayon ang panahon na ang regularization ay magiging isang bentahe sa ekonmiya at lipunan para sa buong komunidad”, pagatatapos ng head ng CGIL.