Ang mga domestic workers ay walang karapatang matanggap ang € 600 Voucher ng Congedi Parentali Straordinari o ang bonus ng € 600 para sa parental leave ng mga magulang para sa pag-aalaga ng mga anak na menor de edad hanggang 12 anyos.
Ito ay ayon sa Inps sa Komunikasyon nito noong Marso 20, 2020.
Nasasaad sa mga kriteryo sa pagsusumite ng aplikasyon ng Inps na maaari lamang magsumite ng aplikasyon ang mga kategorya ng manggagawa na may karapatan sa Congedi Parentali Ordinari.