in

Kaibahan ng Allergic Reaction sa Coronavirus Infection?

Sa pagpasok ng tagsibol, nag-uumpisa kumalat sa hangin ang mga pollens mula sa mga puno. May mga taong allergic sa mga pollens kung kaya maaring marami ang makadanas ng pagkakaroon ng sipon, ubo, pangangati ng lalamunan, mata at tenga at hirap sa paghinga. 

Ayon sa pag-aaral sa Estados Unidos, halos 10-30% ng populasyon ang may allergic reaction sa mga pollens o tinatawag na allergic rhinitis, 40% naman ng mga bata ang tinatayang maaring magkaroon ng ganitong reaksyon.

Ang mga sintomas ng isang allergic reaction (halimbawa allergic rhinitis o asthma) ay maaring kahawig ng sintomas ng isang impeksyon gaya ng kasalukuyang sakit dala ng bagong coronavirus.

Paano natin malalaman ang pagkakaiba?

Kung sa nakalipas na mga pagbabago ng panahon (taglamig papuntang tagsibol, o tag-init papuntang taglagas) ay nakadanas ka nang sintomas ng allergy gaya ng ubo’t sipon at pangangati ng mga mata, malaki ang posibilidad na allergic reaction din ulit ang iyong nararamdaman. 

Ngunit kung ang ganitong mga sintomas ay may kasamang lagnat, at ang gamot mong iniinom panglaban sa allergy ay hindi umepekto,  mas mabuting sumangguni sa iyong doktor o tumawag sa hotline na itinala para sa COVID 19.  Ang lagnat ay karaniwang sintomas ng isang impeksyon sa loob ng katawan, hindi ng allergy. Ito ay reaksyon ng katawan upang pabagalin ang pagdami ng virus o bacteria.  Kaya ang lagnat ay makikita sa may impeksyon ng coronavirus at wala sa taong may allergic reaction.

Maaari din naman na ngayon ka lang nakaramdam ng mga sintomas ng allergy, mas mabuti din na komunsulta sa iyong doktor para mabigyan ka ng wastong gamot.  Ang allergy ay hindi din dapat ipagpasawalang bahala dahil maari itong tumuloy sa mas seryosong kondisyon gaya ng “anaphylaxis or anaphylactic shock” , kung saan ang tao ay biglang babagsak ang blood pressure at mawawalan ng malay, na maaring magdulot ng kamatayan. 

Ang mga taong may asthma o hika (isang allergic reaction) ay kailangang sumunod sa maintenance na inaabiso ng kanilang mga doktor.  Kung sila ay magumpisa magpakita ng sintomas ng COVID 19, kailangan silang mag self-isolate at tumawag at kumunsulta sa kanilang doktor. Kung magpapatuloy pa ang hirap nila sa paghinga, kailangan nila ng mabilisang tulong medikal.  (ni: Elisha Gay Hidalgo, RND Registered Nutritionist Dietitian – Source: FutureLearn

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga OFW sa Pinas na pabalik ng Italya, nagpahayag ng pag-aalala

Pinoy, arestado sa Roma dahil sa shabu