in

Halos 32,000 aplikasyon para sa Regularization – Ministry of Interior

regularization-2020

Inilathala ng Ministry of Interior ang unang opisyal na ulat ukol sa Regularization. 9 sa bawat 10 aplikasyon ay para sa mga colf at badante, sa humigit kumulang na 32,000 aplikasyon.

Halos 30,000 aplikasyon mula sa mga employer na nais gawing regular ang employment at halos 1,000 aplikasyon naman mula sa mga dayuhan para magkaroon ng permesso di soggiorno temporaneo. 

Ito ay ayon sa unang opisyal na ulat ng Ministry of Interior na inilathala kamakailan.

Partikular, hanggang ala una ng June 15, 2020 sa website ng ay mayroong halos 32,000 aplikasyon – kung saan 23,950 ay kumpleto at tapos na at may 7,762 naman na tinatapos pa. 

91% ng mga kumpleto at tapos ng aplikasyon (21,695) at 76% naman ng tintapaos pa (5,906) ay nakalaan sa domestic job. 72% ng mga employers ay Italians. 

Ang Lombardia ay ang rehiyon na may higit na aplikasyon para sa domestic job – colf at badante. Samantala, Campania naman ang rehiyon na may higit na aplikasyon para sa agriculture sector. 

Samantala, Moroccans, Egyptians, at Bangladeshi ang mga nangungunang komunidad para sa aplikasyon sa domestic job. Ang mga Indians, Albanians at Moroccans naman ang para sa agriculture. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng Assegno Sociale 2020: € 459,83

ako-ay-pilipino

134,358 workers, hindi pa nakakatanggap ng Cassa Integrazione