in

Reddito di Emergenza, maaari pa bang mag-aplay?

Ang mga pamliya na hindi pa nakakapag-apaly ng Reddito di Emergenza (REM) ay may pagkakataon pa dahil extended ang deadline ng aplikasyon. Sa halip na June 30, 2020 ay pinalawig ang deadline nito hanggang July 31, 2020

Ano ang Reddito di Emergenza

Ang Reddito di Emergenza (REM)  ay isang tulong pinansya mula sa gobyerno ng Italya na nagkakahalaga mula € 400 hanggang € 840, upang matulungan ang mga pamilya na nasa kundisyon ng kahirapang pinansyal dahil sa Covid19.

  • 1 adult: € 400 
  • 2 adults: € 560 
  • 2 adults + 1 minor: € 640 
  • 2 adults + 2 minors: € 720 
  • 3 adults + 1 minor: € 800 
  • 3 adults + 2 minors: € 800
  • 3 adults (na may 1 invalid member) + 3 minors: € 840 

Ang Reddito di Emergenza ay nakalaan sa mga walang natanggap na anumang ayuda mula sa gobyerno sa panahon ng krisis tulad ng Reddito di Cittadinanza o Naspi. Makakapa-aplay ang mga walang trabaho o disoccupati na hindi nakakatanggap ng unemployment benefit o Naspi. Samantala, hindi ito maaaring i-aplay ng mga tumatanggap ng pension pati na rin ang mga nakatanggap ng bonus na nagkakahalaga ng € 600 na mga entrepreneurs.

Ang nabanggit na ayuda ay matatanggap sa loob ng dalawang (2) buwan at batay sa ISEE na mas mababa sa € 15,000. Ang aplikasyon ay maaaring gawin sa tulong ng mga patronati o sa pamamagitan ng website mismo ng Inps, gamit ang pin code o ang SPID, Carta Nazionale dei servizi at Carta d’Identità elettronica. (PGA)

Basahin rin:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

July 10, 2020, deadline ng contributi Inps ng mga colf at caregivers

Bonus colf e badante, hanggang kailan maaaring mag-aplay?