Ang Decreto Flussi 2020 ay nasasaad sa DPCM ng July 7, 2020 at ito ay nagpapahintulot sa:
- 12,850 para sa working permit sa non-seasonal job, self-employment at conversion ng ida’t ibang uri ng mga permit to stay ng mga non-EU workers;
- 18,000 para sa Seasonal job para sa mga non-EU workers.
Napapaloob din sa Decreto Flussi 2020 ang pagbibigay ng 12,850 working permit. Narito ang dibisyon ng nakalaang bilang.
- 6,000 entries ay nakalaan sa sektor ng Autotrasporto o Road transport, Edilizia o Construction at Turistico-alberghiero na nakalaan sa mga non-EU countries na pumirma ng kasunduan sa Italya;
4,500 entries ay nakalaan sa mga bansang Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Ethiopia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Republic of North Macedonia, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine
1,500 entries ay nakalaan sa mga non-EU countries na pipirma pa ng bilateral agreement.
- Ang 700 entries ay nakalaan naman sa mga sumusunod na sektor:
100 – nakalaan workers na nakatapos ng formation course sa country of origin batay sa artikulo 23 ng decreto legislative July 25, 1998, bilang 286;
100 – nakalaan sa mga workers na Italian origin na residente sa Venezuela;
500 – entrepreneurs (lavoro autonomo) na nasa kategoryang nabanggit sa Ministerial Circular noong Oct 8, 2020.
- 6,150 Conversion ng iba’t ibang uri ng mga Permit to Stay.
4060 – Conversion mula permesso di soggiorno per lavoro stagionale sa permesso di soggiorno per lavoro non stagionale;
1500 – Conversion mula permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
370 – Conversion mula permesso di soggiorno per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo;
200 – Conversion mula EC long term residence permit na inisyu ng ibang bansa sa Europa sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato;
20 – Conversion mula EC long term residence permit na inisyu ng ibang bansa sa Europa sa permesso di soggiorno per lavoro autonomo.
Ang mga aplikasyon para sa mga nabanggit ay isusumite esklusibong sa pamamagitan ng online lamang sa October 22, 2020 mula alas 9 ng umaga. At magtatapos hanggang sa December 31, 2020.
Basahin din: