in

Regularization 2020: Idoneità Alloggiativa at Authorized person ng employer, paglilinaw ng Ministry of Interior

Sa pamamagitan ng Circular ng November 17, 2020 ay nagbibigay ang Ministry of Interior ng mahahalagang impormasyon na nauugnay sa mga aplikasyon ng Emersione o Regularization 2020 at kabilang na dito ang paglilinaw ukol sa Idoneità Alloggiativa at ang authorized person ng employer sa pagpirma sa contratto di soggiorno.

IDONEITA’ ALLOGGIATIVA PAGKATAPOS NG CONVOCAZIONE

Upang maiwasan ang mahabang panahon ng paghihintay para magkaroon ng Idoneità Alloggiativa na nagiging sanhi ng pagkaantala sa convocazione mula sa Prefecture, nilinaw ng Ministry na posible na pirmahan ang contratto di soggiorno kahit aplikasyon lamang ng Idoneità Alloggiativa ang hawak.

Gayunpaman, nananatiling obligasyon ng employer ang ibigay ang nabanggit na dokumento sa Sportello Unico sa susunod napagkakataon.

AUTHORIZED PERSON SA PAGPIRMA NG CONTRATTO DI SOGGIORNO

Binibigyan ng pagkakataon na pumirma sa Contratto di Soggiorno ang isang authorized person, sa halip na employer sa dahilan lamang ng kalusugan na hindi makakapunta ang employer sa Prefecture upang pirmahan ang kontrata kasama ang worker.

Nilinaw ng Ministri na posible ang bigyan ng awtorisasyon ang isang miyembro ng pamilya hanggang sa ikatlong grado, na dapat ay makilala bilang proxy ng employer sa pamamagitan ng authorization letter kung saan nasasad din ang dahilan ng hindi pagtupad nito sa obligasyon. 

Bukod sa nabanggit ay nilinaw din ng Ministi ang mga sumusunod:

ni: Avv. Federica Merlo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

regularization Ako ay Pilipino

Permesso per Attesa Occupazione ng Regularization 2020, kailan ibinibigay?

Duomo di Milano Ako Ay Pilipino

Bagong ordinansa, kinukumpirma ang restriksyon sa 6 na Rehiyon