Sa pamamagitan ng isang komunikasyon ay nilinaw ng Inps na walang bagong bonus na ibinibigay ang tanggapan. Samakatwid, ang Bonus Natale ay isang fake news.
Nasasaad sa isang press release na may petsa ng Nov. 18, 2020 na walang anumang bagong bonus na ibinalita o ibinigay ang nasabing tanggapan, maliban sa mga regular ng ibinibigay nito tulad ng Reddito di Emergenza, Reddito di Cittadinanza, Congedo quarantena scolastica at iba pa.
Bukod dito ay pinaaalalahanan din ang publiko na lahat ng komunikasyon ay lalabas sa pamamagitan ng mga opisyal na website o social media account ng tanggapan.
Ang mga karagdagang bonus na kumakalat online tulad ng bonus Natale na mula umano sa Inps ay nagbibigay lamang ng false hope sa maraming pamilya na dumadanas ng epekto ng krisis sa ksalukuyan. (PGA)