Naglabas ng bagong mga alituntunin ng World Health Organization o WHO ukol sa wastong paggamit ng mask: kung kailan at saan ito dapat gamitin.
«Ang pagsusuot ng mask ay dapat gamitin bilang bahagi ng kabuuang preventive measures kontra Covid, kasama ang pagsunod sa social distancing ng 1 metro at palaging paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol at sanitizers“, ayon sa WHO.
Kaya dapat siguraduhing palaging malinis ang mga kamay bago ito ilagay at bago ito alisin at damat ay natatakpan nito ng tama ang ilong, bibig at baba.
Bilang karagdagan, ang wastong paggamit, tamang pagtatabi, paglilinis at pagtatapon ay mahalaga upang matiyak na ang mga mask ay epektibo.
Ito ang ilan sa mga ipinaalala ng World Health Organization, na nag-update ng mga alituntunin nito sa paggamit ng mga anti-Covid mask na may bagong scientific evidences at practical tips.
Kabilang na dito ang indikasyon sa mga sanitary operators na gamitin palagi ang surgical mask sa mga health facilities “kung walang aerosols procedures” at piliin sa ibang kaso ang N95 o ang Ffp2.
Bukod dito, ay inanyayahan din ng publiko na gumamit ng mask sa indoors tulad ng mga shops at sa loob ng public transportation at sa outdoors din kung hinid masusund ang social distance na 1 metro.
Samantala, ang mga nasa high risk category, ay ipinapayong gumamit palagi ng surgical mask.
Sa sariling bahay ay ipinapaalala ang paggamit ng mask sa pagdating ng ilang bisita at kung hindi masusunod ang 1 metrong distansya.
Sa nasabing dokumento ay inirerekomenda din na huwag gumamit ng mask ang mga nasa physical activities o sports. At ang hindi paggamit ng mask na may valves.
Sa gabay na WHO ay nagbigay din ng indikasyon ukol sa uri ng tela na dapat gamitin sa paggawa ng mask na tela, ay ipinaalala na huwag gumamit ng disposable na tela. Bukod dito ay ipinaalala din ang tamang paglalaba araw-araw ng may sabon at 60° na init. O ang pakuluan ito ng 1 minuto. Ang mga used mask ay ipunin sa isang plastic bag hanggang sa labahan ito.