in

Zona Rossa, simula ngayong araw. Narito ang mga dapat tandaan

multa sa paglabag Ako a Pilipino

Simula ngayong araw, December 24, ay sasailalim sa zona rossa ang buong bansang Italya. Ito ay nangangahuluhan ng pagkakaroon ng limitasyon at restriksyon sa paglabas ng bahay. 

Ito ay ipinatutupad, sa pamamagitan ng Decreto Natale, upang maiwasan ang pagkalat ng Covid19 sa mga panahon ng pagdiriwang. Ang mainit na pagsasama-sama ng mga pamilya at magkakaibigan ngayong taon ay pansamantalang nililimitahan.

Narito ang mga dapat tandaan sa 10 araw ng zona rossa

December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6

  • May pahintulot lamang ang paglabas ng bahay kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at mga pangangailangan;
  • May pahintulot ang pagbalik sa sariling bahay;
  • May pahintulot ang magpunta sa simbahan o anumang lugar ng pagsamba;
  • May pahintulot ang pagbisita o pagtanggap ng bisita hanggang 2 katao lamang, ng isang beses sa maghapon. Ang mga bata hanggang 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay may pahintulot kahit sa ibang Comune basta’t sa parehong Rehiyon lamang;

Bukod sa mga nabanggit ay:

  • Mananatiling bukas ang mga Supermarket, pharmacies, newspaper stands, tobacco shops, laundry, hairdressers at barber shops;
  • Sports activity sa outdoor ngunit indibidwal;
  • Physical activities na malapit sa bahay;
  • Ang mga bar at restaurants ay bukas for take out lamang;
  • May pahintulot ang for take out hanggang 6pm ang mga bars at hanggang 10pm ang mga restaurants;
  • Ang deliveries ay pinahihintulutan;
  • Patuloy ang curfew mula 10pm hanggang 5 am;
  • Huwag kalimutan ang magdala ng Autocertificazione at kopya ng balidong dokumento o pagkakakilanlan.
  • Ang lalabag sa batas ay mumultahan.

Narito ang form ng Autocertificazione.

Para sa karagdagang impormasyon, narito ang link ng FAQs ng gobyerno.

Sundin ang tagubilin at mga protocol ng pamahalaan. Ito ay  para sa isang mas malusog, mas malayo sa virus, at mas payapang pagpasok ng Bagong Taon. 

(Pia Gonzale-Abucay)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

decreto natale multa lalabag Ako Ay Pilipino

Decreto Natale, multa hanggang € 1,000 sa sinumang lalabag

Pinay singer Nizzil Ako Ay Pilipino

Pinay singer sa Italya, inilunsad ang Christmas single