in

Permesso di soggiorno, extended ang validity hanggang April 30, 2021

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Sa inaprubahang Decreto Legge ng 2/2020 kahapon, January 14. (konsultahin ang: https://www.normattiva.it/uri-res/N2Ls?urn:nir:stato:decreto.legge:2021;2) ay nasasaad din ang karagdagang extension ng validity ng mga permit to stay hanggang April 30, 2021

Ang huling extension ay hanggang January 31, 2021. At muling nagbigay ng karagdagang extension ng tatlong buwan na nagpapahintulot sa mga holders nito na makapag-renew, matapos ang unang petsang nabanggit. 

Basahin din:

Narito ang teksto ng artikulo 1 bis talata 3 ng DL 125/2020, sinusugan ng artikulo 5 ng DL 2/2021: “Ang mga permesso di soggiorno at ang mga dokumento na nabanggit sa artikulo 103, talata 2-quater at 2-quinquies, ng DL ng Marso 17, 2020 n. 18 at sinusugan at isinabatas Legge ng April 24, 2020 bilang 27, ay kabilang ang mga mayroong validity hanggang April 30, 2021, ay palalawigin ang validity hanggang sa nabanggit na petsa”. 

Bukod dito, katulad sa nakaraang extension ng Decemebr 3, 2020, ang mga sumusunod ay pinalawig din ang deadline o validity ng:

  1. Deadling ng conversion ng mga permessi di soggiorno mula studio sa lavoro subordinato at mula lavoro stagionale sa lavoro subordinato non stagionale;
  2. Validity ng autorizzazioni al soggiorno na nasasaad sa artikulo 5 talata 7 ng Testo Unico ng Batas July 25, 1998 n 286;
  3. Validity ng mga Travel documents na nasasaad sa artikulo 24 ng Batas ng November 19, 2007 bilang 251,
  4. Validity ng nulla osta para sa lavoro stagionale na nasasaad sa talata 2 ng artikulo 24 ng Batas ng July 25, 1998, bilang 286,
  5. Validity ng nulla osta para sa ricongiungimento familiare na nasasaad sa mga artikulo 28, 29 at 29bis nga Batas bilang 296 ng 1998;
  6. Validity ng mga nulla osta per lavoro per casi particolari na nasasaad sa artikulo 27 at mga sumusunod ng Batas bilang 286 ng 1998, tulad ng ricerca, blue card at iba pa. 

(Avv. Federica Merlo, www.stranieriinitalia.it – https://stranieriinitalia.it/normativa-immigrazione/permessi-di-soggiorno-prorogata-la-validita-al-30-aprile-2021/)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong DPCM January 16 Ako Ay Pilipino

Bagong DPCM, ipatutupad simula January 16. Narito ang nilalaman

Klasipikasyon ng mga Rehiyon January 17 Ako Ay Pilipino

Ang Klasipikasyon ng mga Rehiyon batay sa kulay simula Jan 17