Nalalapit na ang deadline ng pagbabayad ng Contributi Inps ng mga domestic workers sa Italya. Ito ay tumutukoy sa unang payment sa taong 2021 – mula January 1 hanggang March 31, 2021. Ang deadline ng pagbabayad ng mga employers ay nakatakda hanggang April 10, 2021.
Narito ang mga susunod na duedates ng pagbabayad ng ‘contributi Inps’ sa taong 2021:
- July 12, 2021 – para sa payment ng kontribusyon sa buwan ng April, May at June 2021;
- October 11, 2021 – para sa mga buwan ng July, August at September 2021;
- January 10, 2021 – para sa mga buwan ng October, November at December 2021.
Ang pagbabayad ng Contributi Inps ay para din sa mga employers na nag-regularized ng colf o caregiver sa nakaraang Regulrization. Gamit ang codice fiscale provissorio ng worker, ay maaaring i-download ang form ng babayaran sa website ng Inps.
Simula 2020, ang contributi Inps ng mga colf at caregivers ay babayaran sa pamamagitan lamang ng pagoPA, ang nag-iisang sistema ng online payment sa Public Administration.
Sa website ng Pagamenti Inps, ay matatagpuan ang Avvisi di Pagamento PA (bollettini) kung saan makikita ang halaga ng kontribusyon na dapat bayaran at sa pamamagitan ng website ay maaaring bayaran ang kontribusyon.
Bilang alternatiba ay maaaring i-download ang bollettini at bayaran ito sa pamamagitan ng PSP (Prestatori di Servizio di Pagamento) tulad ng mga bangko at poste italiane, gamit ang QR code at mga authorized ricevitorie at tobacco shops.
Bukod sa kontribusyon sa Inps, ang employer ay kailangan ring bayaran ang Contributo di assistenza contrattuale (Code F2) para sa Cassa Colf. Ang halaga para sa taong 2021, maging determinato o indeterminato man ang kontrata, ilang oras man ang trabaho o anuman ang halaga ng sahod ay € 0,06 (ang 0,02 ay ang bahagi ng worker) kada oras.
Basahin din:
Narito ang Isang video guide sa pagbabayad ng Contributi Inps at Cassa Colf.