in

May pahintulot na ba ang pagpunta sa ibang rehiyon ngayong Abril?

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino
May pahintulot na ba ang pagpunta sa ibang rehiyon?

Nananatili ang pagbabawal sa pagpunta ng ibang rehiyon sa kasalukuyang ipinatutupad na dekreto, maliban na lamang sa ilang dahilang pinahihintulutan ng batas.

Ayon sa kasalukuyang dekreto, ang Decreto Legge n. 44 ng April 1, na ipinatutupad simula April 3 hanggang April 30, ang Italya ay nahahati sa dalawang ‘kulay’ ng restriksyon lamang: ang zona rossa at zona arancione.

Simula ngayong araw, April 12, 16 na rehiyon ang nasa ilalim ng zona arancione, kung saan may pahintulot ang malayang sirkulasyon o ‘spostamentisa loob lamang ng sariling Comune, mula 5am hanggang 10pm.   

Ang pagpunta sa ibang Comune at ibang Rehiyon ay pinahihintulutan lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan, pangangailangan at pagbalik sa sariling residenza, domicilio o abitazione. Ito ay patutunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione, lakip ang anumang dokumentasyon na magpapatunay ng dahilan.

May pahintulot din ang pagpunta sa second house na nasa ibang Comune o ibang Rehiyon. 

Bukod dito, nananatili ang pagkakaroon ng curfew mula 10pm hanggang 5am at pinahihintulutan lamang ang paglabas ng bahay kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan, pangangailangan at pagbalik sa sariling residenza, domicilio o abitazione. Ito ay patutunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione, lakip ang anumang dokumentasyon na magpapatunay ng dahilan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anu-ano ang mga restriksyon sa zona arancione ayon sa kasalukuyang dekreto?

Colf, maaari bang tanggalin sa trabaho nang walang anumang dahilan?