in

Panghihina, pagod, hilo at pagsusuka – ang mga bagong sintomas ng Covid19

Ang mga bagong sintomas ng Covid19

Bahagya ang ubo at higit ang nararamdamang panghihina at pagod, bahagya ang lagnat at higit ang hilo at pagsusuka. Ito ang mga bagong sintomas ng Covid19. Ang virus ay nagbabago at kasabay nito ay nagbabago rin ang mga sintomas nito. 

Panghihina at masama ang pakiramdam, pananakit ng kalamnan at pagkahilo, pananakit ng tiyan. Ito ang mga bagong sintomas ng Covid ayon sa Office for National Statistics at sa website ng Ministry of Health. Kumpara noong nakaraang taon, ang sakit ay tila nagbago ng epekto sa katawan ng tao at hindi na ito nauugnay sa ubo at paghirap sa paghinga.

Ayon sa pagsusuri ng British Ministry of Health sa 19,000 may Covid19, isa sa bawat 2 maysakit ang hindi nagkaroon ng lagnat, ubo at pagkawala ng panglasa at pang-amoy. 

Sa third wave, na karaniwang nahahawahan ay higit na mas bata sa edad kumpara sa first wave, ang pananakit ng tiyan, na may kasamang pagsusuka at pagtatae at gastrointestinal disorder ay ang mga sintomas na higit na nararamdaman. Pakaunti ng pakaunti ang mga unang sintomas tulad ng pagkawala ng panglasa at pang-amoy. 

Sa kabilang banda, ang mga sintomas na nauugnay sa mga gastrointestinal disorder, pananakit ng tiyan ay ang mga sintomas sa ilang mga kaso ng mga nahawahang kabataan sa simula ng pandemic. Sa ngayon ang mga nabanggit ay ang pangunahng sintomas kung kailan ang edad ng mga maysakit ay bumaba. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dual Citizenship, ang mga dapat malaman

Narito kung paano makakakuha ng appointment para sa bakuna laban Covid sa bawat Rehiyon