in

14 na rehiyon sa zona gialla, 5 sa zona arancione at 1 sa zona rossa, simula sa April 26

14 na rehiyon sa zona gialla, 5 sa zona arancione at 1 sa zona rossa, simula sa April 26

Sa muling pagbubukas ng Italya na nakatakda sa Lunes, April 26, ay magkakaroon ng pagbabago sa ‘kulay’ ng ng bansa. Batay sa mga datos at indikasyon ng Cabina di Regia, na nagbabantay sa takbo ng virus sa bansa, ay pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa. 

Malaking bahagi ng bansa, 14 rehiyon, ang nasa ilalim ng zona gialla. Samantala, 5 rehiyon naman ang nasa ilalim ng zona arancione at nag-iisa ang tanging rehiyon sa ilalim ng zona rossa

Ang limang rehiyon sa zona arancione ay ang Basilicata, Calabria, Puglia, Sicilia at Valle d’Aosta.

Samantala, ang natatanging rehiyon sa zona rossa ay ang Sardegna

Samakatwid, ang mga rehiyon sa zona gialla ay ang sumusunod: 

  • Campania, 
  • Lazio, 
  • Lombardia 
  • Piemonte, 
  • Emila Romagna, 
  • Toscana, 
  • Friuli Venezia Giulia
  • Veneto,
  • Marche,
  • Abruzzo,
  • Liguria,
  • Molise,
  • Umbria,
  • Trentino Alto Adige (PA di Trento at PA di Bolzano) 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Centri Commerciali, kailan muling magbubukas ng weekend?

20-anyos na Pinoy snatcher, arestado ng mga pulis sa Parma