Batay sa mga datos at ulat ng cabina di regia ay pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza, ang isang bagong ordinansa ukol sa pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon na may bisa simula May 3, 2021.
Ang rehiyon ng Valle d’Aosta, mula zona arancione ay magiging zona rossa.
Samantala, ang rehiyon ng Sardegna, mula zona rossa ay magiging zona arancione, kasama ang mga rehiyon ng Basilicata, Calabria, Puglia at Sicilia.
Walang ipinagbago ang mga rehiyon na nasa zona gialla: Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Lombardia, Marche, Molise, Trentino, Alto Adige, Piemonte, Toscana, Umbria at Veneto.
Makikita sa weekly monitoring ang bahagyang pagtaas ng Rt level sa bansa kumpara noong nakaraang linggo: mula 0.81 noong nakaraang biyernes ay tumaas sa 0.85. Sa kabilang banda, bumaba naman ang incidence: 146 cases weekly sa bawat 100,000 residente (kumpara sa 157 cases noong nakaraang linggo. (PGA)