Sa Italya, ang pagpapatala sa anagrafe o ang tinatawag na ‘iscrizione anagrafica’ ay isang karapatan at obligasyon para sa lahat ng mga mamamayan, Italyano man o dayuhan na regular na naninirahan sa bansa. Ito ay tumutukoy sa pagiging residente ng isang mamamayan at ito ay mahalaga upang magkaroon ng carta d’identità.
Batay sa haba ng panahon ng pagiging residente o pagkakatala sa anagrafe ay nakasalalay rin ang ibang mahahalagang karapatan ng mga imigrante. Mula sa posibilidad na mag-aplay para sa housing benefits hanggang sa aplikasyon ng citizenship by residency at by marriage. At samakatwid ay mahalagang magpatala at ang i-update ito kung sakaling magpapalit ng tirahan o address.
Basahin din: Bakit dapat gawin ng mga dayuhan ang komunikasyon ng cambio residenza?
Sa pagpapatala sa anagrafe ay kailangang sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Ginagawa ng personal ang ‘iscrizione anagrafica’ sa ufficio Anagrafe ng Munisipyo o Comune kung saan naninirahan.
- Siguraduhin ang pagkakaroon ng balidong pasaporte at permit to stay. Ilakip din ang kopya ng tax code o codice fiscale at driver’s license.
- Translated, authenticated at legalized na birth certificate, marriage contract o anumang divorce o annulment documents at ang dokumento na nagpapatunay ng grado ng relasyon. Ang mga ito ay kinakailangan kung ang pagpapatala ay gagawin rin para sa dependent na miyembro ng pamilya na dumating sa Italya. Basahin din: Paano ang legalization ng mga dokumento mula sa Pilipinas? Ano ang tinatawag na Apostille?
- Kailangan ding mapatunayan ang pagkakaroon ng tirahan. Ilakip ang kopya ng kontrata sa upa ng apartment. Maaari ring ilakip ang patunay ng libreng pagpapatira (comodato d’uso) o ang hospitality declaration. Sa ganitong mga kaso ang may-ari ng bahay ay kailangang pirmahan ang awtorisasyon kung saan nasasaad na ang dayuhan ay may pahintulot maging residente sa bahay na ito at lakip ang kopya ng kanyang dokumento. Kung ang may-ari ng bahay ay residente rin sa tahanang iyon, bukod sa pahintulot ay kailangang tukuyin ang relasyon ng may-ari ng bahay sa dayuhan at kung bahagi ito ng kanyang family composition (o stato di famiglia) halimbawa kung asawa at anak o kung bukod na nucleo familiare kung hindi kaano-ano o walang anumang relasyon dito.
- Sa kasong ang aplikante ay ang may-ari ng bahay ay kailangang ilakip ang ‘atto di proprietà’.
Ang iscrizione anagrafica at ang permit to stay
Kahit ang mga nag-aplay para sa first issuance ng permit to stay, matapos ang pagpasok sa Italya gamit ang working visa o family reunification visa, ay maaaring magpatala sa anagrafe. Ipakita lamang ang mga dokumentasyon na inilakip sa pag-aaplay ng permit to stay.
Gayundin sa mga taong nag-aplay para kilalanin ang asylum status at naghihintay ng desisyon buhat sa Territorial Committee ay may karapatang maitala sa rehistro bilang mga residente.
Sa kasong ang permit to stay ay paso o expired na, ay maaari pa ring magpatala sa anagrafe sa pamamagitan ng pagpapakita ng resibo ng renewal na nagpapatunay ng renewal bago ito matuluyang mag-expired o sa loob ng 60 araw matapos ang expiration nito.
Bilang pagtatapos, ipinapaalala na ang kasalukuyang batas ay nagsasaad na ang mga dayuhang nakatala sa anagrafe ay may obligasyong gawin ang declaration renewal ng tinitirahan sa anagrafe sa loob ng 60 araw matapos i-released ang renewed permit to stay. Upang ito ay matugunan, sapat na ang ipakita ang orihinat at kopya ng bagong permit to stay sa Comune.
Basahin din: Obligasyon ba ang pagre-report sa Comune matapos ang renewal ng permit to stay?