Inilathala ng Inps, sa pamamagitan ng isang komunikasyon bilang 2371 noong June 22, 2021, ang mga requirements sa pag-aaplay ng Assegno Unico Temporaneo (bago tuluyang ipatupad ang Assegno Unico e Universale sa susunod na taon), para sa sinumang hindi nakakatanggap ng Assegno al Nucleo Familiare (ANF), tulad ng mga self-employed at mga unemployed.
Ayon sa Inps, simula July 1, 2021, ang mga self-employed at unemployed, ay maaaring magsumite ng aplikasyon, kung mayroong anak hanggang 18 anyos, kahit ampon o binigyan ng custody.
Sa pag-aaplay ng bagong allowance o ang assegno unico temporaneo ay kakailanganin ang ISEE, dahil ibabatay sa halaga nito, ang halaga ng benepisyong matatanggap mula sa Inps.
PAALALA: Hindi pa ito ang Assegno Unico e Universale na magsisimula sa January 1, 2022.
Anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay ng Assegno temporaneo per i figli?
Ang Assegno temporaneo per i figli ay maaaring i-aplay mula July 1, 2021. Gayunpaman, ang sinumang mag-aaplay hanggang September 30, 2021, ay matatanggap ang benepisyo simula July 2021.
Ang mga aplikante ay kailangang makakatugon sa mga sumusunod na requirements:
- Mamamayang Italyano o ng State Member ng European Union, o miyembro ng pamilya nito, Non-Europeans na mayroong permesso di soggiorno per lungo soggiornanti o mayroong permesso di soggiorno per motivi di lavoro o di ricerca na balido ng hindi bababa sa anim na buwan;
- Nagbabayad ng buwis sa Italya;
- Residente at naninirahan kasama ang dependent na anak o ‘a carco’ sa Italya sa panahon ng pagtanggap ng benepisyo;
- Residente sa Italya ng hindi bababa sa dalawang taon,
- Balidong ISEE, na ang halaga ay hindi lalampas sa 50,000 euro.
Ano ang halaga ng Assegno temporaneo per i figli?
Simula July 1, 2021, ang mga self-employed o lavoratori autonomi at mga unemployed o disoccupati, ay makakatanggap ng bagong assegno, na direktang matatanggap sa kanilang bank o postal account mula sa Inps. Ito ay makahulugan para sa mga bagong aplikante dahil sila ay makakatanggap ng benepisyong ito sa unang unang pagkakataon.
Ang halaga ng benepisyo ay batay sa halaga ng balidong ISEE, ordinario o corrente. Ayon sa mensahe ng Inps, matatanggap ang sumusunod na halaga:
- €165,50 para sa bawat anak, na ang ISEE na mas mababa sa €7000, para sa mga pamilay na mayroon hanggang dalawang anak;
- € 217,80 para sa bawat anak, na ang ISEE na mas mababa sa €7000, para sa mga pamilya na mayroon hanggang tatlong anak;
Para sa bawat anak na mayroong disabilities, ang halaga ay madadagdagan ng €50 bawat anak.
Ang Assegno temporaneo per i figli na matatanggap simula July 1, 2021 hanggang December 31, 2021, ng mga self-employed at unemployed ay matatanggap pa din, kahit tumatanggap na ng mga sumusunod na benepisyo:
- Premio nascita €800,
- Assegno di natalità o bonus bebè,
- Assegno familiare per famiglie numerose mula Comune,
- Fondo di sostegno di natalità,
- Detrazioni fiscali,
Samantala, para sa mga tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza, ang Inps ay ipapadala bilang karagdagan ang halaga ng assegno temporaneo sa card ng Reddito di Cittadinanza.
Ang aplikasyon ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng gangkop na seksyon sa webite ng Inps (na kasalukuyan offline pa) gamit ang SPID at sa pamamagitan ng mga patronati. (PGA)
Basahin din:
- Maaari bang pumili sa Assegno unico at Assegno al nucleo familiare (ANF)?
- Assegno Unico per i figli a carico, narito ang mga dapat malaman
- Bagong halaga ng Assegno al Nucleo Familiare simula July 2021, inilathala ng Inps
- Pagtaas sa halaga ng Assegno al Nucleo Familiare, simula July 1, 2021