in

Delta variant, higit 18,000 kaso sa huling 24 oras sa UK. Sydney, lockdown ng dalawang linggo

Kulay ng mga Rehiyon simula April 6, 2021

Patuloy ang mabilis na pagkalat ng Delta variant sa UK. At sa huling 24 oras ay nagtala ito ng 18,270 bagong kaso ng coronavirus. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala simula noong nakaraang Feb. 5. Kahapon ay naitala ang bilang na 15,810 at 23 naman ang mga namatay. Ang mataas na bilang ng mga bakunado ang nagpapanatiling mababa ang bilang ng mga biktima nito. Halos 84% ng populasyon ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna at higit sa 61% ang nakatanggap ng parehong dosis. 

Bukod sa UK, patuloy ang pagkalat ng Delta variant sa mundo sa isang hindi maipaliwanag na paraan na tila pumipigil sa pagtatapos ng pandemya. Ang mutation ng Covid na natuklasan sa kauna-unahang pagkakataon sa India ay mabilis na kumakalat mula sa Australia, kung saan ang Sydney ay bumalik sa lockdown, hanggang sa Europa, partikular sa fresh wave sa Russia, sa St. Petersburg, na isa sa mga host ng ilang laro ng Euro 2021. Sa Spain ay naitala din ang bagong cluster sa Balearics, dulot ng pagbibiyahe ng mag-aaral dito sa naging sanhi ng daan-daang mga bagong kaso ng Covid19. 

Gayunpaman, ang oryentasyon sa Europa ay ang siguraduhin ang isang mapayapang summer season para sa mga locals at mga turista. Sa mga bansang tulad ng Italy at France, ang mga awtoridad ay nagsusumikap na mapigilan ang pagkalat ng Delta. Kasabay nito ay ang unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon tulad ng pagtatanggal ng mask sa outdoors sa Italy at Spain. Kahit sa Switzerland at Iceland ay nagtanggal na din ng mga anti-Covid restrictions. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Buong Italya, zona bianca na!

Tik-Tok, dahilan ng matinding away ng dalawang Pinay