in

Pinoy, sinampahan ng kaso dahil sa pananakit ng buntis na asawa

Ako Ay Pilipino

Isang 37-anyos na Pinoy ang nahaharap sa kasong domestic violence nang saktan nito ang buntis na asawa. Matapos umano ang matinding alitan ay hindi nakaiwas ang biktima sa pananakit ng kanyang asawa. Humingi ng tulong ang buntis sa kanyang pinsan na agad namang sumaklolo ngunit nagtamo din ito ng sakit sa katawan. 

Dahil sa hindi mapigilang biyolensa ay napilitang tumawag ng mga pulis ang pinsang babae. Nang matanggap ng NUE 112 ang tawag at mapag-alamang may buntis sa bahay ay mabilis na nagpadala ng pulis patrol at ambulansya ang central unit.

Ang pagtawag sa pulis ay lalong ikinagalit ng inireklamong lalake. Dinala sa police headquarters ang pinoy para magsagawa ng mas malalim na pagiimbestiga at mabigyang linaw ang buong pangyayari. Ang dalawang babae naman ay agad na isinugod sa Giuseppe Brotzu hospital sa Cagliari. 

Samantala, umani ng iba’t-ibang reaksyon ang pangyayari mula sa mga residente ng Sardegna. Hindi umano normal na nababalitaan ang mga ganitong pangyayari na sangkot ang mga Pilipino.  “Speriamo che non se adeguino  alle usanze moderne in Italia! – pahayag  ng isang residente sa Pirri sa Cagliari. 

Isa umano ang popolasyon ng mga Pilipino sa mga pinagkakatiwalaang  immigrants sa italya at patuloy na may magandang relasyon sa komunidad. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.3]

Online Pinay scammer, timbog ng mga awtoridad

Aplikasyon ng Assegno per il Nucleo Familiare ANF 2021 sa domestic job, narito kung paano