in

Aplikasyon ng Assegno per il Nucleo Familiare ANF 2021 sa domestic job, narito kung paano

Kahit sa domestic job, ang mga colf at caregivers ay kailangang magsumite taun-taon ng aplikasyon para matanggap ang Assegno per il Nucleo Familiare o ANF.

Ang assegni familiari sa domestic job ay matatanggap direkta sa bank account na inilagay sa application form o sa pamamagitan ng liham mula sa Inps na ipinapadala sa aplikante. Mahalagang suriing mabuti sa employer kung nabayaran ang lahat ng kontribusyon sa Inps. Para sa aplikasyon ng ANF 2021, ang kontribusyon ay tumutukoy  mula July 1, 2020 hanggang June 30, 2021

Ang bahagyang increase ng ANF simula July 1, 2021 sa domestic job ay matatanggap matapos magsumite ng aplikasyon. 

ANF 2021 sa domestic job, sino ang makakatanggap? 

Ang ANF 2021 ay matatanggap sa domestic job, samakatwid ng mga colf, babysitter at caregivers, batay sa:

  • Social contributions ng employer sa Inps sa nakaraang trimesters (halimbawa sa panahon ng Juky 1, 2020 hanggang June 30, 2021);
  • Tipolohiya ng pamilya (halimbawa kung may miyembro ng pamilya na may 100% disabilities);
  • Bilang ng miyembro ng pamilya (magulang at anak na mas bata sa 18 anyos);
  • Kabuuang sahod ng lahat ng miyembro ng pamilya para sap ag-aaplay ng ANF (para sa taong 2020-2021, ay kailangan ang Sahod o Kita ng taong 2019).

Bahagi ng pamilya ng aplikante na makakatanggap ng ANF ay ang sumusunod:

  • Asawa (Kasal at hindi legally separated);
  • Civilly united Couple (batay sa artikulo 1 ng Batas n. 76 ng 20/05/2016);
  • Anak na mas bata sa 18 anyos;
  • Anak na may kapansanan;
  • Anak mula 18 hanggang 21 anyos kung ang pamilya ay may higit sa 3 anak na may edad na mas bata sa 26 anyos;

Aplikasyon ng Assegno per il Nucleo Familiare 2021 sa domestic job 

Ang aplikasyon ng ANF sa domestic job ay maaaring isumite sa website ng Inps sa pamamagitan ng:

Maaari ring isumite ang aplikasyon sa mga Patronati. 

Aplikasyon sa pamamagitan ng website ng Inps. 

  1. Sa pagsusumite ng aplikasyon ng ANF, ay kailangang mag-log in sa website ng Inps: Assegno al nucleo familiare lavoratori domestici.

https://serviziweb2.inps.it/PassiWeb/jsp/login.jsp?uri=https%3A%2F%2Fserviziweb2.inps.it%2FPSRANFLDweb%2FinitSportello.do%3FS%3DS&S=S

2. I-click ang inserimento domanda e kailangang gawin ang sumusunod na deklarasyon: 

  • Panahon ng aplikasyon – halimbawa mula July 1, 2020 hanggang June 30, 2021, batay sa mga binayarang social contributions ng employer.
  • Personal datas ng aplikante, tel. number at e-mail address;
  • Kailangang gawin ang deklarasyon ng pagkakaroon ng kontribusyon;
  • Petsa ng kasal;
  • Personal datas ng mga miyembro ng pamilya;
  • Sahod o Kita ng aplikante at ng mga miyembro ng pamilya na isinulat sa aplikasyon, kahit 0 reddito. 

Kailangang ilakip ang mga sumusunod na dokumento:

  • Balidong dokumento ng aplikante at permesso di soggiorno;
  • Self-declaration ng Stato di Famiglia sa Italya;
  • Bollettini Inps na pinagbayaran ng employer. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Pinoy, sinampahan ng kaso dahil sa pananakit ng buntis na asawa

tour-ako-ay-pilipino

Pagbibiyahe sa labas ng Italya, ang rekomendasyon ng Ministry of Foreign Affairs