in

Apat na Pilipino, pasok sa Commissione Stranieri sa Comune di Padova

Pasok ang apat na Pilipino bilang kinatawan ng Commissione per la Rappresentanza delle persone Padovane con cittadinanza straniera, sa katatapos lamang na halalan sa Comune di Padova. 

Umani ng bilang na 468 boto ang apat na Pinoy sa kabuuang bilang na 1,783 ng mga residenteng Pilipino sa lugar at may karapatang bumoto sa naganap na halalan ng isang buong buwan simula June 14 hanggang July 14.  Ang Filipino community ang ika-apat na pinakamalaking komunidad ng mga dayuhan matapos ang Moldavian, Chinese at Nigerian. 

Ang mga nahalal na Pinoy ay sina: 

  • Reyes John Nobelo – 270 votes
  • Malijan Mabel Lanorio – 72 votes
  • Mallo Jamaica – 58 votes
  • Cipres Edilberto jr detto Jaycee – 41 votes

Samantala, 2,788 o 14.7% naman katao ang mga bumoto sa kabuuang bilang na 18,967 na botante sa Padova. Kasamang nahalal ng 4 na Pinoy, ang 2 Pakistanis, 1 Indian, 2 Sri Lankans, 1 Chinese, 1 Albanian, 2 Bangladeshis, 1 Nigerian, 1 Moroccan, 1 mula Ivory  Coast.  

Ang mga bagong halal ay may tungkuling makatuwang ng Konseho sa pagharap ng mga tema ukol sa migrasyon at mga imigrante, tulad ng nasasaad sa Regolamento della Commissione na inaprubahan ng Konseho n. 68 ng 19/10/2020.  Sila ang mga magiging boses ng mga non-Europeans at mga Stateless sa pamamagitan ng kanilang partesipasyon sa politika, administrasyon at institusyon ng lungsod sa susunod na 5 taon.

Kaugnay nito, pinirmahan na ni Mayor Sergio Giordani ang proklamasyon ng mga bagong halal noong nakaraang July 15. At sa mga darating na linggo, ang komisyon ay magpupulong na upang talakayin ang regulasyon sa paghihirang ng presidente at bise presidente. Ang presidente sa katunayan ang direktang makikipag-ugnayan sa administrasyon at dadalo sa konseho. Pagkatapos ng isang taon ay papalit naman ang bise presidente. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 3.8]

Mga organisasyon ng komunidad ng mga Pilipino, muling nagiging aktibo

Pustahan sa Mobile Legend, nauwi sa saksakan sa Padova