Ang Bonus Cultura sa Italya ay nakalaan sa mga kabataang ipinanganak ng taong 2002. Ito ay nagkakahalaga ng € 500,00 e-voucher na maaaring magamit ng mga kabataan hanggang Feb. 28, 2022 para sa kultura halimbawa sa pagbili ng libro, ticket para sa museum, theaters at ngayong taon ay maaaring gamitin para sa subscription ng mga newspapers at magazines.
Hanggang August 31, ay maaaring makapag-aplay ang mga kabataang kwalipikado ng nabanggit na bonus.
Tinatayang aabot sa 368M ang mga benepisyaryo nito at ito ay magkakahalaga ng 50.5M.
Bonus Cultura, paano mag-aplay
Upang makapag-aplay ng bonus ay kailangang i-download ang App, 18app2020.
Gamit ang SPID ang aplikante ay makakapag-register sa App at samakatwid, ay magagawa ang aplikasyon.
Ang mga kabataang ipinanganak sa Pilipinas at kasalukuyang residente sa Italya ay maaari ring mag-aplay at makatanggap ng bonus.
Kailangan lamang matugunan ang mga sumusunod na kundisyon:
- mayroong regular at balidong permesso di soggiorno,
- ipinanganak noong 2002.