Ang mga may-ari at staff matapos kontrolin ang pagkakaroon ng Green pass ng mga customer ay pinahihintulutan na suriin din ang mga personal ID, kahit hindi sila obligadong gawin ito.
Ito ang paglilinaw ng Circular ng Ministry of Interior, matapos inanunsyo kahapon ni Interior Minister Luciana Lamorgese na hindi maaaring hingan ng personal document ng mga may-ari o staff ng locale ang mga customer dahil ang pagko-kontrol ng mga dokumento ay trabaho umano ng awtoridad.
Ngayon araw, sa pamamagitan ng isang Circular ay nililinaw ang obligasyon ng mga may-ari o staff ng locale na suriin ang pagkakaroon ng Green pass at kung kinakailangan, sa pagkakaroon ng alinlangan ukol sa pagmamay-ari ng Green pass, sila ay may pahintulot din na hingin ang dokumento ng kanilang customer.
Ang pagsusuri sa pagkakakilanlan ng taong naglalahad ng Green pass ay discretional at naglalayong siguraduhin ang lehitimong pagmamay-ari sa digital green certificate sa pamamagitan ng pagpapakita ng customer ng dokumento ng pagkakakilanlan o ID”.
Ang pagsusuring ito ay kakailanganin upang malaman ang hindi pagsunod o paglabag sa kasalukuyang patakaran, halimbawa, ang paggamit ng hindi sariling green pass na madidiskubre lamang kung ang mga personal datas sa Green pass at sa dokumento ay hindi magkakapareho. (PGA)