in

Ano ang parusa para sa mga walang Green pass o sa mga gagamit ng Green pass ng ibang tao?

Simula August 6, ang Green Pass ay mandatory sa Italya. Ito ay nasasaad sa DPCM ng June 17, 2021 at Decreto Legge ng July 23, 2021. 

Ang Green pass ay mandatory sa pagpasok sa mga restaurants, bars at pub para sa dine-in.  Ito ay mandatory din sa pagpasok sa mga amusement centers/parks, gyms, theaters, cinema, museums, cultural, social at sports events, festivals, fairs, conferences, congresses at iba pa.

Narito ang parusa para sa mga walang Green pass o sa mga gagamit ng Green pass ng ibang tao

Mayroong dalawang bagay na dapat isaalang-alang. 

Ang una ay ang tungkol sa mga may-ari ng locale na magpapahintulot sa pagpasok ng mga customers na walang Green pass na maaaring mamumultahan ng mula €400 hanggang € 1000. At sa kaso ng tatlong beses na paglabag sa tatlong magkakaibang araw, ang locale ay maaaring ipasara mula 1 hanggang 10 araw. 

Sakaling ang customer ang tatangging magpakita ng Green pass, sa ganitong kaso, ang operator o staff ay walang responsibilidad sa pagtanggi ng customer at maaaring tumawag ito ng pulis upang maisagawa ang pagkokontrol. 

Kung ang customes naman ay mapapatunayang mayroong fake o gumamit ng hindi sariling Green pass, ay maaaring multahan ng mula € 400 hanggang € 1000 at makakasuhan ng false declaration.

Ayon sa DPCM ng June 17 at kahit ang huling Circular ng Ministry of Interior, ang may-ari ng locale ay may obligasyog hingin ang Green pass sa pagpasok ng mga customer at maaari ring tingnan ang personal ID ng customer, sakaling magduda ito sa Green pass o sa identity ng may hawak nito, upang mapatunayan kung fake o ang Green pass ay nakapangalan sa ibang tao. Ilang mga owner ng locale ang nangangamba na mamultahan sakaling ang isang customer ay may pekeng Green pass, ngunit binigyang-diin ng Circular na “kung mapapatunayan na ang pangalan sa Green pass at ang pangalan sa dokumento ay magkaiba, mamumultahan lamang ay ang customer, kung walang makikitang pagkukulang mula sa owner ng locale”.

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.2]

Regulasyon ng Green Pass, narito ang maikling Gabay

Heat wave sa Italya nagpapatuloy. Bukas, 17 lungsod nasa alert level 3.