in

Bakuna kontra Covid19, mandatory na ba sa Italya?

bakuna laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Ang bakuna kontra Covid19 ay marahil maging mandatory sa Italya sa lalong madaling panahon. Ito ang inanunsyo ng dating executive director ng Europe Medicine Agency (EMA) Guido Rasi, sa panayam ng Il Messaggero. 

Ayon sa councilor ni Emergency Commissioner Francesco Paolo Figliuolo, sa mga susunod araw aniya ang gobyerno ay isasaalang-alang ang takbo ng pagbabakuna, ang pagkalat ng epidemya, ang bilang ng mga nahawa sa Covid at ang mga nasa ospital upang gawin ang isang mahalagang desisyon: kung gagawing mandatory ang bakuna kontra Covid19 o hindi. 

Kailangan pa ng kaunting panahon. aniya. Kung ang sitwasyon ay lalala, ay kakailanganin ang mas mabigat na aksyon at kasama na dito ang desisyong gawing mandatory ang bakuna kontra Covid19“. 

Kailan gagawin ang desisyon? 

Ayon kay Rasi, inaasahan ang desisyon sa unang linggo ng Oktubre hanggang sa kalahatian ng buwan. Aniya, may nalalabi pang isang buwan upang kumbinsihing magpabakuna ang 3.2 milyong over 50s na walang bakuna at proteksyon. 

Bagaman maganda ang naging tugon ng mga kabataan, may problema sa mga over50s. Hindi sapat ang 80% ng populasyon ng mga bakunado, kailangan din isaalang-alang kung ano ang distribusyon ng mga bakunado. 

Kaugnay naman ng booster dose, idinagdag ni Rasi na sa kasalukuyan, batay sa mga datos ay kinakailangan itong gawin sa mga health workers. Gayunpaman, kailangang hintayin ang desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) at Europe Medicine Agency (EMA). Bagaman handa na ang lahat para sa third dose. 

Basahin din:

80% ng populasyon ng Italya, mababakunahan hanggang Setyembre

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Colf, nag-positibo sa Covid19, ano ang matatanggap mula sa CassaColf?

Third dose ng bakuna kontra Covid19, sisimulan na sa Sept 20