Ang Green Pass, o ang sertipikasyon na nagpapatunay ng pagbabakuna – sa Italy o sa ibang bansa – ay maaaring makuha sa pamamagitan ng SPID (digital identity), electronic identity card, health card, o IO app.
Narito ang mga tagubiling ibinigay ng Ministry of Health: https://io.italia.it/certificato-verde-green-pass-covid
Para sa mga dayuhang naghihintay ng Regularization
Ang mga dayuhang undocumented o hindi regular o naghihintay ng Regularization ay maaaring magkaroon ng Green pass, sa pamamagitan ng ibang hakbang na hindi nangangailangan ng codice fiscale, tessera sanitaria o SPID:
Sa ganitong kaso ay kailangang gamitin ang mga sumusunod:
- Balidong dokumento (pasaporto) na ginamit sa araw ng pagpapabakuna;
- And identification code o codice identificativo na ibinigay sa vaccination site o noong nagpa-tampone
- Sa website ng inilaan ng Ministry of Health, https://www.dgc.gov.it/web/ – I-click ang “Tessera Sanitaria”
- Piliin ang “Utente senza tessera sanitaria o vaccinati all’estero“. Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod: a) Uri ng dokumento na ginamit sa araw ng pagbabakuna b) Numero ng dokumento
- I-click ang “Recupera certificazione”
Para sa mg dayuhang mayroong STP
Sakaling ang nabanggit na proseso sa itaas ay hindi gumana, ang mga mayroong STP (Tessera per Stranieri Temporaneamente Presenti) ay maaaring mai-download ang Green pass sa pamamagitan ng:
- I-click ang “Utente non iscritto al SSN vaccinato in Italia;
- Ilagay ang STP code sa “Codice fiscale o Identificativo assegnato TS, na ibinigay sa araw ng pagpapabakuna. PAALALA: Ang codice ay kailangang isulat lahat, kasama ang mga unang letra na STP, halimbawa STP1234567…..
Basahin din:
- STP, ang health code para sa mga undocumented sa Italya
- Paano magkaroon ng Green pass ang mga gumaling sa Covid19?
- Paano magkakaroon ng Green pass sa Italya ang binakunahan sa ibang bansa?
- Hanggang kailan mandatory ang Green Pass sa Italya?
- Green pass para sa walang Tessera Sanitaria, narito kung paano