Naitala ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Europa sa limang magkakasunod na linggo. Ayon sa datas ng World Health Organization, mahigit 3 milyong katao ang nahawahan ng virus sa buong mundo sa pagitan ng October 25-31, habang mahigit 50 libo naman ang namatay. Ang mga numerong ito sa kasamaang-palad ay tanda ng muling pagkalat ng sakit: ang bilang ng mga bagong kaso ay tumaas ng 3% at ang mga namatay ay tumaas ng 8% kumpara sa pitong araw na nakalipas.
Covid, ang report ng WHO
Sa lingguhang report ukol sa pandemya, binigyang-diin ng United Nations Health Agency na nagsimula ang muling pagtaas ng mga kaso. Sa pangkalahatan, 3 milyong bagong kaso ang naiulat sa buong mundo. Ang bilang ng mga namatay, na tumaas sa buong mundo, ay higit ang naitala ng Southeast Asia, kung saan tumaas ng 50%. At sa Europa, kung saan naitala ang pinakamataas na rate of infection sa panahong nabanggit: humigit-kumulang na 192 bagong kaso sa bawat 100,000 katao, na sinusundan ng Amerika na mayroong humigit-kumulang 72 bawat 100,000.
Ang sitwasyon sa mundo
Bukod sa Europa, na nagtala ng pagtaas ng 6% ng mga bagong lingguhang kaso kumpara sa nakaraang linggo, ang ibang mga rehiyon ay nagtala naman ng pagbaba o naging stable ang bilang: Ang North at South America ay nagkaroon ng 3% na pagtaas at tumaas naman ng 2% ang mga kaso sa Western Pacific. Kasabay nito, naitala ang biglang pagbaba ng mga kaso ng Covid19 sa Eastern Mediterranean (-12%), Southeast Asia (-9%) at Africa (-9%).
Tumaas naman ang bilang ng mga namatay ng 50% sa Timog-silangang Asya. Sa Europa ay naitala ang pagtaas ng 12%, habang ang Kanlurang Pasipiko ng 10%. Ang lahat ng iba pang mga rehiyon ay nagtala ng pagbaba sa bilang ng mga namatay dahil sa Covid. Ayon sa datos ng weekly bulletin, mula October 25-31 – 3,021,634 ang mga bagong kaso ng Covid19 at 50,477 naman ang mga namatay sa buong mundo.