in

Mayroon bang bagong Green pass pagkatapos ng booster dose?

Hindi lamang Super Green pass ang nilalaman ng inaprubahang dekreto ng Konseho ng mga Ministro kamakailan, bagkus pati ang mga mahahalagang balita ukol sa bakuna kontra Covid19 tulad ng mga sumusunod:

  • Booster dose makalipas ang limang buwan at hindi na anim na buwan;
  • Magkakaroon din ng booster dose ang mga under40s;
  • Pagbabakuna sa mga edad 5-12 sa paglabas ng awtorisasyon mula sa AIFA.

Green pass pagkatapos ng booster dose

Una sa lahat ay dapat malaman na mayroong bagong Green pass pagkatapos ng booster shot o third dose at second dose naman para sa mga binakunahan ng Johnson & Johnson.  

Paano magkakaroon ng Green pass pagkatapos ng booster shot

Ang bagong green pass ay matatanggap sa loob ng 48 hrs pagkatapos ng booster sho. Ito ay makukuha sa pamamagitan ng mga naunang pamamaraan. Makakatanggap ng AUTHCODE sa pamamagitan ng sms o ng email. Makukuha din ang bagong green pass sa app IO at app Immuni o sa pamamagitan ng website ng dgc.gov.it.

Ang mga naunang green pass sa pagkakaroon ng bago matapos ang booster shot ay hindi na balido

Sa bagong green pass ng booster shot ay makikita ang QR code at ang petsa ng pagkakatanggap nito, kung kailan magsisimula ang 9 na buwang validity nito at hindi na 12 buwan. Makalipas ang 9 na buwan, ang green pass ay hindi na balido. 

Kaugnay nito, simula December 6, 2021 hanggang January 15, 2022 ay magkakaroon na ng Super Green pass. Ang pamamaraan sa pagkakaroon ng Super Green pass gayunpaman ay malalaman sa paglabas ng decreto attuativo o ng implementing rules. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Bagong Covid-19 variant, natuklasan sa South Africa. Italya, nagpatupad ng travel ban sa 8 bansa.

travel ban Ako Ay Pilipino

Omicron, na-detect ang unang kaso sa Italya