Ang Super Green Pass ay inilunsad ng decreto legge na inaprubahan ng Konseho ng mga Minsitro noong nakaraang November 26. Ito ay simulang ipatutupad sa December 6, 2021 hanggang January 15, 2022. Narito kung pang magkaroon nito.
Magkakaroon ng Super Green pass, sa pamamagitan ng dalawang paraan lamang:
- bakuna kontra coronavirus,
- Gumaling sa sakit na Covid19 sa huling 6 na buwan.
Ang mga nabakunahan at ang mga naka-recover sa Covid na ngayon ay may Green pass (basic o normal green pass) o iyong iniisyu hanggang sa ngayon, ay walang dapat gawin.
Simula December 6, 2021, ang algorithm lang ng app na bumabasa ng QR code ang magbabago. Makikilala ng application mula sa QR Code ang dahilan ng pagkakaroon ng green pass. Kung ang owner ay nagkaroon ng Green pass dahil nabakunahan o dahil gumaling sa sakit na Covid, ang basic Green pass ay awtomatikong nagiging Super Green pass.
Samakatwid, ang basic Green pass ay awtomatikong maga-update at walang dapat gawin ang may-ari.
Kung, sa kabilang banda, ang sertipiko ay inisyu matapos ang Covid test, ito ay kikilalanin bilang Basic Green pass at maaari lamang magamit sa trabaho, pagsakay ng local public transportation, pagpasok sa hotel sa zona bianca. (PGA)